Pinipigilan ni Max Eigenmann na maiyak nang pinag-usapan namin ang tungkol sa namayapa niyang tiyahin na si Ms. Cherie Gil.
Dalawa ang pelikulang kalahok sa Cinemalaya 2022 na si Max ang bida. Ang Kargo na nag-gala screening nung nakaraang Sabado at ang 12 Weeks na nag-screening nung nakaraang Martes. Natutuwa si Max sa 12 Weeks dahil kasama niya ang kanyang inang si Bing Pimentel.
Bago magsimula ang screening, nag-aalay ng panandaliang dasal para kay Cherie Gil, at ayaw na lang ni Max na dibdibin ang pagkawala ni Cherie dahil alam niyang ayaw raw ng tita niyang masyadong mag-drama. “One of the things that really went through my mind during my first screening on Saturday was something that she told me before. Kasi everytime I would have a bad day at work or everytime I was doubting myself as an actor, ang tinatawagan ko talaga si Tita Cherie. We’re very very close.
“And there was one time talaga na sabi ko, ‘Tita I don’t think I can do this. I’m getting tired, I don’t know if I can attack the scene.
“Sabi niya, ‘oh my God Maxene! Stop being a drama queen and get back to work.”
Tiyak na magsi-sink in na sa kanya ang pangungulila sa kanyang tiyahin pagkatapos ng Cinemalaya. Pero alam niyang ayaw raw ni Cherie na masyado siyang mag-drama.
“So, with regards to what’s going on in my family right now, it’s a very very tough time. But, tatapusin ko muna itong Cinemalaya at paulit-ulit kong sinasabi ko sa sarili ko ang sinasabi sa akin ni Tita Cherie na ‘mamaya na yan, Huwag ka muna mag-drama. Trabaho ka muna,” pakli ni Max.
Lagi raw niyang kinakausap ang kanyang Tita Cherie, pati ang namayapa niyang amang si Mark Gil. “Everything that I have to say, si Tita Cherie siya na lang makakaalam nun. But, yes kinakausap ko siya, silang dalawa ng Daddy ko,” sabi pa ng aktres.
Ayaw lang ibahagi ni Max kung ano ang plano ng pamilya sa funeral ni Cherie. Pero napag-alaman namin sa darating na Martes ay nakatakda nang i-cremate si Cherie.
Hindi pa raw nila alam kung dadalhin dito ang kanyang mga abo.
Samantala, magaling si Max sa dalawang Cinemalaya movie niya.
Posibleng makakalaban din niya ang sarili sa kategoryang Best Actress.
Derek, aminadong mas magaling na aktor ang kapatid
Suportado ng mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna ang gala screening ng Cinemalaya movie na Ginhawa na pinagbidahan ni Andrew Ramsay.
Proud si Derek sa kanyang bunsong kapatid dahil sa totoo lang, mas magaling daw na aktor si Andrew kesa sa kanya. “He’s better actor than me,” bulalas ni Derek.
“I’ve always said na siya talaga ang talented sa pamilya. He studied in New York Film Academy, John Lennon School in UK and Liverpool Institute of Performing Arts. So, everything, singing, dancing, ballet. You should see him actually on theater, he’s really really good,” dagdag niyang pahayag.
Agree naman kami kay Derek dahil magaling ang kapatid niya rito sa Ginhawa.
Talagang pinasok niya ang karakter ng isang mahirap na boksingero, at na-handle niya ito nang maayos.
Posibleng makapag-Best Actor pa nga siya rito.
Ngayong nasa showbiz na si Andrew, hindi maiwasan ang mga ‘mema’ lang, at ang rude ng mga komento ng ibang bashers na sinasabing mas guwapo at hindi magkamukha silang magkapatid.
Isa ito sa ipinayo ni Derek kay Andrew na masanay na at matuto nang mandedma sa mga bashing na natatanggap niya. “You can’t avoid that,” pakli ni Derek.
“Sabi ko, just a noise. Filter that out. It’s not gonna affect how you going your career.
“You never gonna please everyone. Everyone has something to say. So, I tell him, don’t even acknowledge them. Just be respectful to everybody.
“If somebody has nothing nice to say, respectfully listen to it and maybe can make you a better actor, a better person, and absorb the positive things people say.
“It’s just a noise,” sabi pa ni Derek.
Julie Anne, natupad ang wish kay Gary V.
Ang awiting Di Ka Akin na duet nina Gary Valenciano at Julie Anne San Jose ang unang ini-release ng bagong partnership na Universal Records at Cross Ratio Entertainment ng Singapore.
Si Julie Anne ang sobrang natuwa dahil kahit hindi man Kapuso si Gary, natuloy ang collaboration nilang dalawa sa isang magandang kanta.
“It’s truly and honor to have done this collaboration with one of my musical influences.
“Still surreal, it’s a dream come true to sing with him, and write a song for such timeless icon and an inspiration to many,” pahayag ni Julie Anne.
Bukod pa rito, lalong nai-excite si Julie Anne sa kanyang career dahil maganda rin ang gagawin niyang drama series sa GMA 7.
Magkasama naman sila ni Barbie Forteza sa Maria Clara at Ibarra, at leading man nila rito si Dennis Trillo.