Maid…, P16 milyon ang totoong kita?!

Katips P4 milyon

Ang lumabas na press release mula sa Viva Films ay naka-P21M ang first day gross ng pelikulang Maid in Malacañang na nag-showing na sa mga sinehan nung nakaraang Miyerkules, Aug. 3.

Expected nang padded ‘yan dahil dagdag promo na rin sa pelikula.

Pero ayon ilang reliable source na napagtanungan namin, P16M ang totoong kinita nito.

May ilang kaibigang nag-forward ng kuha sa ilang sinehang sold-out na ang tickets at mahaba ang pila.

Ilan din sa napagtanungan namin ay wala raw tao sa sinehan, pero wala nang tickets.

Malamang na may bumili na ng bulto-bultong tickets bilang suporta sa pelikulang ito.

Sabi nga ng isang maka-BBM, siyempre makisipsip daw sila sa kung sinong nakaupo ngayon!

Tingnan natin kung mami-maintain pa rin ang lakas nito sa mga susunod na araw.

Nakatapat ng Maid in Malacañang ang Katips ni direk Vince Tanada.

Ayon sa aming reliable source, naka-P4M daw itong Katips, at okay pa rin ‘yun lalo na sa panahon ngayon.

Sabi ni direk Vince, karamihan daw ay block screenings na kinukuha ng ibang grupo ng Kakampinks.

Marami raw nakipag-ugnayan sa kanya na mga grupo na gustong mag-sponsor ng block screening. Kaya nagpapasalamat si direk Vince sa mga sumusuporta sa kanyang pelikula.  “Ang dami ngang nag-iimbita sa akin, hindi ko naman mapagbigyan lahat. Halos sabay-sabay ang mga block screening. Hindi ko naman mahati ang katawan ko,” bulalas ni direk Vince nang nakatsikahan namin sa DZRH.

Magandang senyales na rin itong bumabalik na ang interes ng mga taong pumasok sa sinehan para manood ng sine.

Kahit namakyaw man ‘yan ng tickets, hindi na isyu ‘yun. Ang mahalaga ay bumabalik na ang lakas sa ating mga sinehan lalo na kapag local film ang ipinapalabas.

Maja, ‘di pa inaayos ang kasal

Naka-focus muna ang magkasintahang Maja Salvador at Rambo Nuñez Ortega sa first venture ng Crown Artist Management bago nila planuhin ang kanilang pagpapakasal.

Excited sila rito sa bagong sitcom na binuo nila para sa TV5 at Cignal Entertainment.

Ito ‘yung Oh My Korona na magsisimula na sa TV5 sa darating na Sabado, Aug. 6, ng 7:30 ng gabi.

Bagong challenge ito para kay Maja dahil magpapatawa siya rito kasama ang mga magagaling sa comedy na sina Joey Marquez, Kakai Bautista, Pooh, Thou Reyes, Jai Agpangan at partner niya rito si RK Bagatsing.

Kasama rin ang mga baguhang sina Queenay, Christine Samson, Jessie Salvador at Guel Espina.

Si Ricky Victoria ang direktor na iba ang atake sa pagpapatawa.

Puring-puri nga ni Tsong Joey si Maja dahil nakikita raw niya ang determinasyon sa lahat na ginagawa niya.

Kaya sabi nina Maja at Rambo, mas dito raw muna sila naka-focus at kapag okay na, saka na nila ayusin ang wedding.

Pero “secret” ang mabilis niyang sagot nang tinanong namin kung puwede na ba silang magbigay ng ideya kung kailan na ang kasal. “Wala pa kaming listahan ng kung anu-ano kasi naka-focus muna kami dito sa launch ng Oh My Korona. But after, ‘yun! Wala na kaming choice kundi ‘yun nga, magpo-focus na kami sa wedding namin,” pakli ni Maja sa nakaraang mediacon ng naturang sitcom.

Napapag-usapan daw nila ng kapwa niya Dabarkad na si Maine Mendoza na maaaring nasa cloud 9 din dahil kapu-propose lang sa kanya ni Cong. Arjo Atayde.

“Sabi lang namin magka-batch kami. Hindi lang namin akalain na parehas kaming ma-engage this year. So, exciting,” matipid niyang sagot.

Ngayong engaged na nga sina Maja at Rambo, ramdam daw ni Maja na mas lalo pa siyang minahal ni Rambo.

“Mas alam namin na eto na talaga. Mas ang responsibility, ‘yung obligation namin sa isa’t-isa ay talagang legit na legit  na. So, wala nang atrasan.”

“Sabi lang namin magka-batch kami. Hindi lang namin akalain na parehas kaming ma-engage this year. So, exciting,” matipid niyang sagot.

Ngayong engaged na nga sina Maja at Rambo, ramdam daw ni Maja na mas lalo pa siyang minahal ni Rambo.

“Mas alam namin na eto na talaga. Mas ang responsibility, ‘yung obligation namin sa isa’t-isa ay talagang legit na legit  na. So, wala nang atrasan.”

Show comments