^

PSN Showbiz

Jeric Raval aminadong ‘naaalibadbaran’ sa sexy roles ng anak na si AJ

Philstar.com
Jeric Raval aminadong �naaalibadbaran� sa sexy roles ng anak na si AJ
Kuha sa '90s action star na si Jeric Raval sa panayam ni Ogie Diaz
Videograb mula sa Youtube channel ni Ogie Diaz

MANILA, Philippines — Inamin ng '90s action star na si Jeric Raval na hindi niya suportado ang pagpapaseksi ng kanyang anak na si AJ sa mga pelikula.

Sa isang panayam ni Ogie Diaz, ibinunyag ng aktor na wala pa siyang napapanood na pelikula ng kanyang 21 anyos na anak.

Aniya, "naaalibadbaran" kasi siya sa mga eksena nitong masyadong "mainit."

"Ni minsan wala pa akong napanood sa pelikula niya," pagbunyag ni Jeric sa vlog ni Diaz nitong Lunes.

"Ang totoo niyan, hindi ko siya sinusuportahan sa mga ganu'ng klaseng pelikula," pagpapatuloy niya.

"Wala akong nakatalikod na kita ang wetpaks. [W]ala rin akong eksena na, 'O, Jeric ito eksena mo ah kunwari nasasarapan ka.' Wala akong ganu'n.”

Aniya, siya kasi mismo na isang action star ay walang "torrid" kissing scene.

Pagbabahagi pa niya, hindi rin siya iniimbita ng kanyang anak tuwing may mga press preview ito.

"Alangan naman nanood ka gano'n ang eksena, ‘Ang galing ng anak ko'," pabiro niyang hirit.

Sinabi rin ng aktor, nagulat siya sa pag-aartista ng kanyang anak. Kuwento niya, pinag-audition niya si AJ sa TV5, ngunit na-reject ang huli hanggang sa mapunta sa VIVA matapos madiskubre sa "Minute To Win It" nang mag-guest siya doon kasama ang kanyang ama.

"Dahil nga wala akong social media, hindi ko nalalaman kung anong nangyayari sa kanila. Pumirma na pala ng kontrata tapos may pelikula na. Gano'n lang kabilis,” sambit niya.

Tanong din ni Diaz: "Ikaw ba nakatulong kay AJ, o si AJ 'yung nakatulong para lalong [m]as makilala si Jeric?"

"Alam mo, kahit bitbitin niya siguro yung pangalan ko na Raval, [k]ung wala naman sa kanya yung potensiyal na maging artista o sumikat, hindi rin,” tugon ng action star.

"Kasi marami rin artista na binitbit 'yung apelyido ng magulang nila, hindi naman [sumikat].”

Bukod dito, inamin din ni Jeric na nasasaktan siya bilang magulang sa tuwing nababatikos ang kanyang anak.

“Bilang magulang, hindi mo naman maiaalis ‘yun na masaktan ako. Sabi ko nga, hindi ko na lang binabasa, hindi ko iniintindi, kaya wala. Kasi parang kasama na ‘yan eh 'pag nag-artista ka,” wika niya.

“'Pag nag-artista ka, ready ka diyan. Hindi lahat ng tao natutuwa sa ‘yo. Ngayon, kung hindi ka ready diyan, hindi para sa ‘yo ‘tong trabaho na ‘to,” dagdag pa niya.

Kaugnay sa isyu ng pagbubuntis umano AJ sa unang anak nila ni Aljur Abrenica, sinabi ni Jeric na hindi naman umano nagdadalang-tao ang kanyang anak dahil nagsu-shooting pa ito.

“Hindi, eh bat’t s'ya nagsu-shooting kagabi? Although I havent seen her for two weeks, three weeks,” sabi niya.

“Tsaka kung buntis, eh di mabuti, at least hindi pala siya baog,” dagdag pa ng aktor.

Kamakailan lang nang ipasilip ni AJ sa publiko ang kanyang "beach body" sa gitna ng usap-usapang buntis. Inintriga kasi ng showbiz columnist na si Cristy Fermin na "siyento porsyento" raw na nagdadalang-tao ang aktres.

Lalo pang pinasinungalingan ni AJ ang tsismis nang biglang mag-live stream sa pamamagitan ng Instagram— Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles

vuukle comment

AJ RAVAL

JERIC RAVAL

OGIE DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with