3 pelikula, magbabanggaan sa takilya! Madre, nagsalita sa paglalaro nila ng mahjong ni Tita Cory

Maid in Malacañang

Magbubukas ngayong araw sa mga sinehan ang pelikulang Maid In Malacañang.

Kasabay nito ang pelikulang Katips na nanalo ng major awards sa FAMAS last Saturday. Kaya maraming nagtaka kung bakit nanalo na agad ito samantalang ngayon araw pa lang ito ipalalabas sa mas maraming mga sinehan.

Nauna na raw kasi itong ipinalabas noong November 2021 sa selected theaters. Pero may ilan pa ring gulat sa naging sistema ng FAMAS.

Tumutulong sa promo ng Katips sa social media ang Kakampink stars kaya ang lakas ng promo nito ngayon.

Sinabi ng director, actor, writer at producer ng pelikula na si Vince Tanada na tungkol ito sa mga pangyayari noong Martial Law.

Inaasahan namang kikita ang kontrobersyal na pelikulang Maid In Malacañang na ngayon pa lang ay nagti-trending ang ending na naglalaro ng mahjong ang character ni ex-President Cory Aquino na ginampanan ni Giselle Sanchez kasama ang ilang mga madre na kinontra ng mga madre sa isang kumalat na statement kahapon sa social media. “Depicting the nuns as playing mahjong with Cory Aquino is malicious. It would suggest that while the fate of the country was in peril, we could afford to leisurely play games.

“The truth was that we were then praying, fasting, and ma­king other forms of sacrifices for peace in this country and for the people’s choice to prevail,” bahagi ng pahayag ng Prioress of the Carmelites Monastery in Cebu na si Sr. Mary Costillas.

Bahagi ng kontrobersyal na pag-uusap habang nagma-mahjong sila ay : “Is he dying?... Get them out of the Philippines.

“Ano na? Hindi na ‘ko tumodas-todas.

“E kasi naman, tayô ka nang tayô e!

“Totoo yan.

“Maswerte talaga ang nakaupo.

“Traydor na pag-ibig.”

Pinagbibidahan nina Ruffa Gutierrez at Cesar Montano ang Maid in Malacañang.

Ayon sa office ni Sen. Imee Marcos, bahagi ng kikitain ng Maid In Malacañang ay mapupunta sa Nutribun feeding program “to address the increasingly serious problem of malnutrition in the wake of the pandemic.”

Anyway, bukod sa Maid in Malacañang, nari­nig kong ipalalabas din ang isa pang indie film na Yamashita ngayong Miyerkules.

Kaya malalaman ngayong araw kung magkakainteres na nga ang mga tao na manood ng Tagalog na pelikula.

Matagal-tagal na rin ang huling pelikulang Tagalog ang pinilahan sa mga sinehan at masasabing box office hit.

Show comments