Janine, gusto ring maging actress

Janine Berdin.

Taong 2018 nang manalo si Janine Berdin sa Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime. Mula noon ay nakilala na ang dalaga sa angking galing nito sa pagkanta.

Kung mabibigyan daw ng pagkakataon ay gusto na ring subukan ngayon ni Janine ang pagiging isang aktres. “Kasi I really started po dito sa Star Circle Quest, someone who acted. But hindi siya ‘yung number one passion ko po. But another passion of mine po na pumapantay sa music is film. Siguro mas nakikita ko po sarili ko behind the camera. Pero gusto ko rin po mag-act, especially in theater. Na-try ko rin po ‘yon. I’d love to act someday. If given the chance, why not po?” nakangiting paglalahad ni Janine.

Makakasamang magtanghal ang singer sa Beyond The Stars: The Star Magic US Concert Tour na gaganapin sa New York sa Aug. 6, San Francisco sa Aug. 12 at Los Angeles sa Aug. 14.

Sobrang excited na ang dalaga na makasama ang mga kababayan at tagahangang nakabase sa Amerika. “I’m so excited and I am so blessed na I got to be part of it. It’s something na everyone dreams of. Being like part of, so grabe na kasama ako. Hindi ko talaga nai-imagine na kasama ako, pero kasama ako. And I can’t wait to introduce ‘yung tunog ng new talents. Like SAB and I, like Angela (Ken), AC (Bonifacio), Kyle (Echarri). I can’t wait na ipakita namin sa ating international viewers ‘yung tunog naming mga Gen Z,” pahayag ng singer.

Sean, hindi naniniwalang buntis si AJ

Nagbigay ng reaksyon si Sean de Guzman tungkol sa napabalitang buntis diumano si AJ Raval.

Maraming beses nang nagkatrabaho sa pelikula kaya naging magkaibigan na rin ang dalawa. “Hindi ako naniniwala kasi nagtatrabaho pa rin siya. Saka napag-usapan na namin ‘yan dati pa. Actually mga three months ago pa bago lumabas ‘yang ganyang isyu sa kanya. Kumbaga, bumalik na lang ulit ngayon. Sabi niya sa akin no’ng time na ‘yon, pinag-usapan namin parang iniisyu na naman siya na buntis kahit hindi,” kwento ni Sean.

Ayon sa aktor ay talagang personal niyang tinanong ang dalaga kung may katotohanan ang pumutok na balita kamakailan. “Tinatanong ko naman siya kung buntis siya. Hindi naman siya buntis talaga. Siguro parang wala lang mahalukay sa kanya ang ibang tao. Pero ‘yon nga, sabi ko nga, wala naman ako sa posisyon para pakialaman ‘yung mga isyu nila,” giit ng sexy actor.

Aminado si Sean na hinahanap-hanap na rin niya si AJ bilang kanyang leading lady sa mga proyekto. “Nami-miss ko na siyang makatrabaho kasi ‘yung bonding din namin iba kapag nasa shoot kami. Hindi na kami masyadong nagkakausap ngayon. Magkaibigan pa rin naman kami. Close pa rin kami kaso nga lang siyempre lagi siyang nasa trabaho. ‘Pag nagkakayayaan naman kami, ‘Tara, labas tayo’ nagkakataon naman na may trabaho ako tapos siya free. Tapos minsan may trabaho naman siya, ako ‘yung wala,” pagtatapat ng binata. Reports from JCC

 

 

Show comments