Mga alahas nila ni Heart milyon din ang presyuhan Marian, winner sa suot na gown na more than P1 million ang halaga!

Winner pa rin si Marian Rivera sa ginanap na GMA Thanksgiving Gala Night.
Beautiful is not enough si Marian na suot ang Ralph & Russo gown.
At ang halaga nang i-convert sa Philippine peso ang nasabing gown ay P1, 214, 665. 74.
Ang description ng gown sa editorialist.com ay Black/silver silk pleated-tulle silk ball gown from RALPH & RUSSO featuring pleat detailing, layered details, sleeveless and full-length at worth $21,943.
Christian Louboutin shoes naman ang sinuot niya na more or less ay P60,000 ang halaga habang ang kanyang suot na alahas ay Chaumet and Dior na milyones din ang presyo.
Iba rin si Marian.
Armani naman ang suot na suit ni Dingdong Dantes.
Iba rin ang dating ni Heart Evangelista kasama naman ang asawang si Senator Chiz Escudero.
Ashi Studio gown ang sinuot nito na Filipiniana ang dating at Bvlgari naman ang mga suot na alahas na ayon sa ilang nag-compute ay more than P13 million ang hikaw, bracelet and necklace na isinuot nito.
- Latest