^

PSN Showbiz

Tali, lutang ang pagiging mabait at masayahin

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Tali, lutang ang pagiging mabait at masayahin
Tali Sotto

Sa lahat ng nakausap ko sa phone ang talagang hanggang ngayon hindi ko malimutan si Tali Sotto. Tuwing maalala ko iyon, ‘you want kiss? You want money,’ tawang-tawa ako.

Para bang bata pa lang si Tali Sotto kilala na niya na harbatera ang Lola Lolit niya.

Natatawa ako dahil alam ko na walang malisya ang gesture na iyon. Isa sa pinaka-close na alaga ko sa akin si Pauleen Luna. Open siya sa akin kahit noong panahong may mga problema siyang hinaharap dahil sa lovelife.

Napakaganda ng pagpapalaki sa kanya ni Mommy Chat. Kaya naman tingnan mo how happy and peaceful ang buhay niya ngayon. Tiyak ko na lalaking mabait at masayahin bata si Tali Sotto, the lucky girl of Vic and Pauleen.

Feeling nabudol…

Naiinis ako dahil feeling ko nabudol ako ng mga doktor ko.

‘Kaloka na meron akong catheter sa leeg para sa aking dialysis samantalang ang naging complaint ko lang medyo nahihilo ako, tapos bigla na lang nalagyan ako ng catheter. Kaya nasa labas nga ako ng hospital pero twice a week pumupunta pa rin ako para sa dialysis ko.

Parang nasa hospital ka pa rin, ‘di ba! Talagang feel ko na gusto lang nila akong pahirapan, isakay sa wheelchair at dalhin sa dialysis room.

Naku, mag-horror ako doon para lahat sila tanggihan na ako, hah hah hah.

Kahit ang bait-bait nila feeling ko talagang budol lang ang nangyayari sa akin. Kaloka talaga.

TALI SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with