^

PSN Showbiz

Ending ng Maid...panggulat, Kris inaasahang mapapa-react!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Nakalagay sa opening credits ng Viva movie na Maid In Malacañang na creative producer si Senator Imee Marcos.

Napanood namin ang premiere ng movie last Friday sa SM City The Block. In fairness, maraming tao.

Chapter by chapter ang paglalahad ng kuwento. Ang kontrobersiyal na director ay si Darryl Yap.

Kanya-kanyang moments ang mga artistang lumabas na members ng Marcos family: Cesar Montano as Ferdinand Marcos, Ruffa Gutierrez bilang Imelda, Cristine Reyes bilang Imee , Diego Loyzaga as Bongbong at Ella Cruz bilang Irene.

Pati ang mga lumabas na maids na sina Elizabeth Oropesa, Karla Estrada at Beverly Salviejo, hindi nagpatalo sa kanilang moments! Magaga­ling naman silang lahat!

Gusto namin ‘yung linya ni Cesar as Marcos na probinsiyano kasi sila at hindi elitista. Walang pangalang pinatatamaan pero tumatagos, huh!

Kagulat-gulat ang ending kaya tiyak na pag-uusapan kung totoo ba ito o hindi.

Tungkol sa last days ng Marcoses ang movie. Galing ni Ruffa sa eksenang kausap si Diego na sinasabing, “Ayokong umalis. Hindi na tayo makakabalik,” sabi ni Ruffa as Imelda.

But what happened? Nakabalik na ngayon sa Malacañang ang Marcoses dahil presidente si Bongbong!

Panoorin kaya nina Joel Lamangan at actor-director-producer-lawyer na si Vince Tanada ang Maid In Malacañang?

Anyway, sa isang statement na inilabas ni Senator Imee, ginawang simple ang premiere night dahil sa mga nasalantang kababayan natin sa Norte. May donasyon din silang ibinigay bilang tulong sa mga biktima.

Tuklasin sa movie kung sino ang Maid In Malacañang!

MAID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with