Ang young adult stage na yata ang pinaka-exciting pero pinakakomplikado ring parte ng buhay.
Sa edad na ‘to, kaya na nating tumayo sa sariling nating mga paa at mag-enjoy habang hinahanap ang sarili.
Makakatulong kung may mga masasandalan tayo sa pagharap ng mga problema at pagbusok na ‘to – ang pamilya, mga kaibigan, partner, at minsan, may mga tao ring hindi natin inaasahang darating at magpapabago sa buhay natin.
Simula ngayong July 30, 2022, mag-enjoy sa ups, downs, at makulay na kwento ng young adult love sa Kumusta Bro?, streaming on demand sa Vivamax Plus. Isang 10-part BL (Boys’ Love) series, ang Kumusta Bro? ay kwento ng limang binata na pinagtagpo ng iba’t ibang desisyon sa buhay at pag-ibig.
Sa kagustuhang takasan ang drama ng komplikado niyang buhay, aalis si Thirdy (Sky Quizon) papunta sa malayong lugar kung saan pwede siyang magpahinga, makapag-isip at mabigyan ng oras ang sarili.
Pero parang pinaglalaruan talaga siya ng tadhana lalo na nang malaman niyang ang mga taong tinatakbuhan niya ay nandoon din pala sa lugar na pinagtataguan niya.
Si Bench (Kristof Garcia), ang high school friend niyang umamin sa kanya na gusto siya nito, si Dean (Allen Cecilio), ang longtime admirer niya, at si Cerwin (RJ Agustin), ang ex-boyfriend niya.
Sa pagbalik nila sa Maynila, may mga bago na naman silang haharapin na hamon at problema, hindi lang ang problema nila sa isa’t isa, pero pati na rin sa kanilang mga pamilya.
Babalik din muli sa buhay ni Thirdy ang childhood sweetheart niyang si Fons (JM Mendoza) na inimbitahan siyang mag-apply ng trabaho sa Kumusta Kafe, ang cafe ni Cerwin.
Magiging saksi ang Kumusta Kafe sa magulo at paikut-ikot na kwento ng kanilang mga buhay at pag-ibig.
Mag-enjoy sa riot, kwela at gulo ng pakikipagrelasyon habang hinaharap ang hamon ng adulting life.
Mula sa award-winning writer and director na si Real Florido, ang Kumusta Bro? ay pinagbibidahan ng promising young actors na sina Sky Quizon, Kristof Garcia, Allen Cecilio, RJ Agustin, at JM Mendoza.