^

PSN Showbiz

Ka Tunying at Gerry, lilipat na sa AMBS?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Ka Tunying at Gerry, lilipat na sa AMBS?!
Ka Tunying

May ilang speculations ang naglabasan sa Instagram post ni Anthony Taberna nung nakaraang Huwebes, July 28, na huling episode na raw kahapon ang Dos Por Dos nila sa DZRH kahapon.

Nagpasalamat sila ni Gerry Baja sa lahat na tumutok sa kanilang programa tuwing hapon sa DZRH.

Ang sabi ng ilang netizens, baka lilipat din daw sila sa Advanced Media Broadcasting System ng dating Sen. Manny Villar.

Pero mas marami ang nakahulang ililipat lang ng timeslot ang Dos Por Dos sa DZRH pa rin.

Simula Lunes, Aug. 1, ay alas-sais hanggang alas-otso ng umaga na sila mapapakinggan.

Gusto na rin ni Ka Tunying na ilunsad ang kanyang vlog na Tune In kay Tun­ying.

Mabigat din ang pinagdaanan ng mag-asawang Ka Tunying at Rossel Taber­na, pero nalagpasan nila ito.

Nagpapasalamat sila sa Diyos at gusto nilang ipagdiwang ito sa kaarawan ni Rossel bukas.

Alden, nag-iba ng lifestyle

Itinuluy-tuloy na ni Alden Richards ang pagpayat mula nang nagbago siya ng lifestyle nung ginawa niya ang The World Between Us.

Kapansin-pansin ang pagpayat niya ngayong tinatapos niya ang Start-Up Ph, dahil na rin sa role niya bilang si Tristan, ang good boy sa Pinoy adaptation na ito ng sikat na K-drama.

Hindi na lang idinetalye ang diet niya, at ang lifestyle nito. Pero simula pa raw nung The World Between Us ay ito na ang sinusunod niyang lifestyle para hindi na rin siya maghanda nang husto para sa susunod na project. “Ngayon po parang mas naging madali para sa akin na baguhin na talaga totally ‘yung lifestyle ko para in the event, kagaya po nito na may mga proyekto tayo na kailangang paghandaan, hindi na po ako, kumbaga ‘yung cramming po nabawasan.

“Hindi na po ako napi-pressure kasi hindi ko na po siya kailangang paghandaan dahil lifestyle ko na po siya,” saad ni Alden sa nakaraang mediacon  niya para sa Start-Up Ph.

“So, ‘yun na po ‘yung ginawa kong change sa buhay ko ngayon, and parang sakto nga po lahat,” dagdag niyang pahayag.

Kiray, nakakapag-ipon na

Si Kiray Celis ang isa sa pinakamasuwerteng lumipat sa Kapuso network. Hindi talaga siya nababakante. Tuluy-tuloy ang trabaho niya.

Nagustuhan kasi siya ng production staff, walang arte at marunong makisama.

Kabilang si Kiray sa bagong afternoon drama na maglulunsad kay Elle Villanueva, ang Return to Paradise kasama si Derrick Monasterio.

Thankful si Kiray sa mga programang ibinigay sa kanya ng GMA 7 dahil ngayon pa lang daw siya nag-iipon para sa sarili niya. Dati raw kasi ay lahat na kinikita niya ay para sa magulang, at sa buong pamilya.

“Sa tagal-tagal na nagtatrabaho ako sa pa­rents ko, since three years old ako, and para sa family ko. Ngayon lang ako nakapag-save para sa sarili ko,” pahayag ni Kiray sa nakaraang mediacon ng Return to Paradise na magsisimula na sa Lunes, Aug. 1, pagkatapos ng Eat Bulaga.

Tanggap din daw ng pamilya niya ang non-showbiz boyfriend, at pahapyaw na napapag-usapan ang pag-settle down.

Ayaw naman daw niyang magpaka-hopia na anytime magpu-propose na ang boyfriend.

“’Pag nagmu-mall kami, nagtitingin na siya ng mga diamond ring. Sabi ko, hindi ako bababa sa P500K. Kailangan mas mataas. May trabaho naman siya. So, galingan n’ya no,” pakli ni Kiray.

KA TUNYING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with