Malacañang, may international showing

Maid in Malacañang

BEVERLY HILLS, CA. – Ang bongga lang, Ateng Salve, dahil kahapon lang nag-announce ang Viva Films na ipalalabas sa iba’t ibang cities dito sa Amerika ang Maid in Malacañang, pero mas una ko pang nabalitaan ‘yon sa mga taga-rito.

Sa dinner nga namin noong isang gabi sa The Blvd ng Beverly Wilshire Hotel, ang tungkol sa showing dito sa Amerika on Aug. 12 ang topic ng mga kasama ko na sina Ms. Cora, Mr. Roger at Ms. Christine Oriel ng Asian Journal, ni Monet Lu at Ms. Trinity Foliente.

Manonood daw sila at marami pang ibang mga kakilala sila na dudumugin daw ang mga sinehan dito na pagpapalabasan ng Maid in Malacañang, huh!

Actually, nang maka-chat ko nga si Direk Darryl Yap, ikinuwento ko sa kanya kung gaano ka-excited ang mga Pinoy na kakilala ko rito na panoorin ang kanyang controversial movie. Hindi lang around America ipalalabas ang Maid in Malacañang, pati sa ibang mga bansa pa dahil marami raw talagang mga Pinoy abroad ang nagre-request na makapanood din sila ng nasabing pelikula na pinagbibidahan nina Ruffa Gutierrez, Cesar Montano, Cristine Reyes, Diego Loyzaga, Ella Cruz, Karla Estrada, Elizabeth Oropesa, Beverly Salviejo at iba pa.

Actually, sobrang excited nga ang cast nang malamang may international showing sila, huh!

Alam mo ba, Ateng Salve, si Raymond Gutierrez na pabalik-balik dito at sa ‘Pinas ay excited din na mapanood ang Maid in Malacañang, kaya sabi ko sa kanya, go kami sa Burbank 16 dahil showing doon ang pelikula. Siyem­pre, excited si Mond na mapanood ang kanyang Ate Ruffa na gumaganap bilang si Madame Imelda Romualdez-Marcos sa pelikula.

Mukhang kahit sa atin sa ‘Pinas ay dudumugin ang Maid in Malacañang.

Anyway, kagabi ginanap sa The Block ng SM North EDSA ang premiere night ng Viva Films movie na ‘yon at ilang sinehan ang ginamit, huh!

Kim at Zanjoe, dinumog pagdating ng Amerika

Sina Kim Chiu at Zanjoe Marudo sa Orlando, Florida noong Thursday. Dumating doon ang dalawa para sa Fiesta Mo Sa USA in Florida event kung saan ay ka-partner ng isang Pinoy association doon ang TFC (The Filipino Channel) at ABS-CBN.

Bale ngayong Saturday (July 30) ang event na ‘yon at free admission, kaya lahat ay puwedeng makapanood!

In fairness, sa mga picture na nakita namin, napakaraming mga Pinoy na nag-welcome kina Kim at Zanjoe sa Orlando.

Bongga!

Ang isa pang inaabangan na dumating sa Los Angeles, California ay ang Concert King na si Martin Nievera.

Nasa ASAP Natin ‘To live pa siya bukas at may tapings din siya ng Monday and Tuesday para sa show at aalis na siya agad.

Sa Friday ay may pa-presscon for Martin para sa kanyang M4D 40th anniversary concert na gagana­pin sa Disney’s Music Hall sa downtown LA.

Ang bongga ng venue ng concert ni Martin, kaya naman sobrang saya niya. Magkakaroon din siya ng 40th anniversary concert sa ‘Pinas na ipoprodyus naman ng Viva.

‘Yun na!

Show comments