Barbie, ‘di naisip na makipagbalikan sa mga ex na tumikim ng iba
Naibahagi ni Barbie Imperial sa kanyang YouTube channel kung sino sa mga naging kasintahan noon ang pinakanasaktan siya. Matatandaang naging kontrobersyal ang hiwalayan ng aktres at Diego Loyzaga ilang buwan na ang nakalilipas. “Siguro over all damage na nasaktan talaga, ako honestly ‘yung pinakanasaktan talaga ako I think is Diego talaga. Siya ‘yung boyfriend ko na parang alam niya lahat about me. Kapag may nami-meet kang someone, mapi-feel mo ‘yung akala mo siya na talaga. May mga usap-usapan kayo na, ‘Saan tayo titira? Ilang anak?’ May conversations na kayo about getting married, mga plan n’yo sa buhay. Kay Diego ko lang na-experience ‘yon. Iyon siguro ‘yung reason kung bakit sobrang sakit niya sa akin. Kasi plinano ko ‘yung buhay ko with him, tapos biglang nawala. Gano’n talaga, lessons learned,” pagtatapat ni Barbie.
Bago nakarelasyon si Diego ay naging kasintahan ng aktres noon sina Ryle Santiago, Paul Salas at JM de Guzman.
Ayon kay Barbie ay hindi kailan man sumagi sa kanyang isipan na makipagbalikan sa dating kasintahan. “Wala akong gustong balikan sa mga ex ko. Ako kasi, after kami maghiwalay, usually may bago na silang girls. Ako ‘yung tipong, ‘If natikman mo na ‘yung ibang babae after sa akin, bakit ka babalik sa akin? Porke’t hindi masarap ‘yung ulam na natikman mong bago, babalik ka sa akin? Panindigan mo ‘yan! Iyan ang pinili mo, ‘di ba? Sinayang mo ako, so huwag ka na,” nakangiting paliwanag ng dalaga.
Elisse, kinakaya ang pag-aaral at trabaho
Mula sa kursong Fashion Design and Merchandising ay nagpalit si Elisse Joson ng Psychology. Ngayon ay puspusang pag-aaral ang ginagawa ng aktres upang makapagtapos ng kolehiyo. “Very jampacked ang schedule pero masaya, fulfilling, online classes pa rin. So isang linggo, may dalawang araw ako na may klase ako. Nag-switch ako from Fashion Design to Psychology. Na-feel ko lang sa Fashion parang hindi roon ang passion ko talaga. Although mahilig talaga ako sa damit, sa trendy fashion. Pero meron akong hinahanap na mas gusto kong pag-aralan. At doon ko na-realize no’ng na-try ko mag-Psychology, how the mind works. Parang na-curious ako. ‘Yon very interesting kasi kung paano malaman ‘yung mga tao,” pagbabahagi ni Elisse.
Mahigit isang taong gulang na ngayon ang anak ng aktres at McCoy de Leon na si Felize. Kahit isa nang ganap na ina ay kaya pa naman daw na pagsabayin ni Elisse ang pag-aaral at ang pagtatrabaho. “Alam ko naman na hindi naman ako pababayaan ni Lord. Kung hindi man ako makakuha ng trabaho ulit after having Felize, siguro blessed din na even after having a baby ay nakabalik ako ulit sa pagtatrabaho at sobra-sobrang grateful ako siyempre sa management ng ABS-CBN na tuluy-tuloy pa rin. Actually mag-i-start pa lang akong mag-taping. Abangan na lang, yes, magbabalik-teleserye,” paglalahad ng aktres. (Reports from JCC)
- Latest