Katips, walang takot!

Jerome Ponce.

Walang takot na sasabayan ng pelikulang Katips ang pelikulang Maid In Malacañang sa Agosto 3!

Eh para sa actor-writer-producer-lawyer na si Vince Tañada, ilalahad nila sa Katips ang totoong karanasan niya noong panahon ng Martial Law!

“This is about the truth and nobody can invalidate my personal experience as a victim of martial law kaya masasabi nila sa Maid in Malacañang ‘yung nararamdaman ng pamilya bago sila ipatapon sa Hawaii, ito naman, ‘yung nararamdaman namin nung sila pa ang naghahari at kailangan itong ipakita sa mga tao!,” pahayag ni Atty. Vince sa presscon ng movie.

Matagal na nilang nagawa ang Katips. Isinalin ito sa movie ng PhilStagers ni Vince. Tanging sina Jerome Ponce at Mon Confiado ang kinuhang artista dahil halos lahat ng cast ay stage actors.

Nagsilbing inspirasyon kay Vince ang 17 nominations sa Famas ng Katips kaya alam niyang magugustuhan ito ng manonood.

Elle, nagpahawak agad kay Derrick

Suwerte naman ng baguhang Kapuso artist na si Elle Villanueva. Handpicked siya upang naging leading lady ni Derrick Monasterio sa coming GMA Afternoon Prime na Return To Paradise.

Sa teaser ng series na magsisimula sa Aug. 1, da­ring at magpapainit sina Elle at Derrick sa role niya na stranded sa isang isla.

“Kinabahan ako sa paghawak sa katawan ko ni Derrick noong simula. Eh maalaga naman siya kaya hindi na ako natakot!,” sabi ni Elle sa virtual mediacon ng series.

Eh kahit maalaga sa kanya si Derrick, wala pa raw sa stage ang hunk actor na ligawan siya!

Show comments