MANILA, Philippines — Matapang na ibinahagi ng aktres na si Barbie Imperial sa kanyang latest Youtube vlog kung sino sa kanyang mga ex ang pinakanasaktan siya.
"Pinaka-nasaktan talaga ako, I think si Diego talaga. Siya 'yung boyfriend ko na parang alam niya lahat about me, ganun. Tapos parang siya 'yung... alam mo 'yung may na-meet kang someone, minsan mo lang ma-feel 'yung akala mo siya na talaga," paglalahad ni Barbie sa vlog, Miyerkules.
"'Yung parang may mga usap-usapan na kayo na, saan tayo titira, ilang anak. So ayun, may mga conversations na kami about getting married, kung saan kayo titira, mga plans niyo sa buhay. Kay Diego ko lang na-experience 'yun."
Lesson learned din daw sa kanya ang naging mapait na karanasan sa dating nobyo na plinano na raw ang buhay kasama siya.
"So 'yun siguro 'yung reason kung bakit sobrang sakit niya sa akin kasi plinano ko 'yung buhay ko with him tapos biglang nawala. Pero 'yun, ganun naman talaga. Lessons learned," ani pa ng aktres.
Ayon pa sa aktres, number 1 rule niya raw ay ang hindi maiinlove sa kanyang friends na lalaki kagaya ng kay Diego dahil nanghihinayang daw siya sa nabuong relasyon.
Ibinunyag din ni Barbie na siya ang nag-first move sa isa niyang naging karelasyon. Bukod nga kay Diego, naging karelasyon niya rin ang aktor na si Ryle Santiago.
Natanong siya kung may pagkakataon na ba raw ito na siya ang nanligaw sa isang lalaki.
"Oo naman, jusko. Sa first boyfriend ko, kay Ryle, ako talaga 'yung may gusto sa kanya," pag-amin ni Barbie.
Sinabi niyang nahulog ang loob niya kay Ryle ng minsan niya itong makatrabaho sa isang noontime show sa ABS-CBN.
"Tapos nung time na 'yun, GirlTrends. Iba ibang GirlTrends pa 'yung may gusto sa kanya. Medyo may mga kaagaw pa akong GirlTrends noon. Tapos ayun, naipanalo ko naman, ako naman 'yung naging dyowa. Pero hindi pa rin kami nagkatuluyan so ayun."
"Well, hindi ko gusto 'yung thought, siyempre lalaki dapat 'yung manliligaw. Pero 'yung experience na 'yun, looking back at it, medyo laugh trip na lang talaga siya." dagdag pa niya.
Sina Barbie at Ryle ay napaulat na magkasintahan noong 2017 na kalaunay naghiwalay rin. Samantala, Pebrero ngayong taon napabalitang naghiwalay sila ni Diego. — Philstar.com intern John Vincent Pagaduan