Kamakailan ay nag-trending sa Twitter ang Fearless Diva of the Philippines na si Jona, na ngayon ay kilala na rin bilang isa sa mga jukebosses ng OG videoke game show ng bansa, ang Sing Galing at Sing Galing Kids. Noong July 21 ay nagkaroon siya ng Jona Fearless Day kung saan nagpa-interview siya sa iba’t-ibang radio and TV programs at nagpasaya ng mga listeners and viewers.
Sulit na sulit ang #JonaFearlessDay Media Tour dahil nagsimula ito ng 9:00 a.m. ng umaga at nagpatuloy hanggang 7:00 pm ng gabi.
Sinimulan ni Jona ang araw sa mga interviews niya sa News FM Showbiz Chika Atbp. ng Radyo Singko Davao 101.9, iFM 103.9 Baguio, XFM Philippines (na nag-air simultaneously sa 100.7 XFM Davao Region, 97.9 XFM Davao City, 88.5 XFM Mati City, 98.1 XFM Bayugan City Agusan Del Sur, 96.7 XFM Bacolod City, at 100.7 XFM Iloilo City), MYXclusive, Frontline sa Umaga sa TV5, PEP Live, 91.9 Love Radio Bacolod, Yes the Best 101.1 kasama si DJ Lyka Barista, All Out with Rico at Kayla sa RX 93.1, Julius and Tintin Para Sa Pamilyang Pilipino sa One PH, at Q Radio 105.1 Q PM Crew kasama sina Cholo Dela Cruz at Joelle Yuvienco.
Ipinakilala si Jona bilang pinakabagong jukeboss sa Sing Galing Year 2 noong idinaos ang grand finals ng show noong Marso 2022.
Bukod sa pagiging jukeboss sa regular edition ng Sing Galing, isa jukeboss din siya sa kiddie edition na Sing Galing Kids, na nagsimula nang umere sa TV5 tuwing Sabado ng gabi.
“Hindi pumasok yan sa mind ko before na someday I’ll be mentoring these kids. Pero along the way, I started dreaming to someday be able to give back to aspiring singers who are going through the same path na pinagdaanan ko rin before,” pahayag ni Jona.
Tutukan ang Fearless Diva na si Jona sa kanyang challenging role bilang jukeboss sa Sing Galing regular edition at Sing Galing Kids ng TV5.
Paggawa ng abot-kaya at masusustansyang pagkain tatalakayin ni Bianca
Paghahanda ng masustansya at abot-kayang pagkain para sa mga chikiting ang tatalakayin sa online parenting talk show series na TalkED: Early Childhood Series, kasama si Bianca Gonzalez at guest expert na si Mabelle Aban, bilang pagdiriwang ng National Nutrition Month ngayong Hulyo.
Subaybayan ito live online ngayong Huwebes (Hulyo 28), 7 PM, sa Knowledge Chanel Facebook page at sa FYE Channel ng Kumu.
Samantala, itinanggi ni Bianca na nilaglag na niya ang ipinaglalaban nang mag-tweet tungkol sa pinag-usapang SONA ni President Bongbong Marcos.
Pinuri ni Bianca ang speech noong Lunes ng kasalukuyang pangulo kaya’t nag-isip ang netizens na baka nga, tumiwalag na siya at nagkalimot na sa nakaraan.
“That was a good SONA for PBBM. Here’s hoping this admin delivers on the promises, para sa Bayan,” sabi ni Bianca.
Mabilis niya itong nilinaw : “Good morning, Sir! Exactly what you said, it’s only a speech, and speech lang ang “good” na sinabi ko. The admin has yet to put in the work to deliver. Hindi nag-iba ang paninindigan ko dahil lang sa isang speech. #NeverForget pa rin ang stand ko, kailangan managot sa mga nagawa,” reply ng host sa mga nagduda sa kanyang paninindigan.
Dagdag pa nito, “I may have voted for Leni Robredo and I still believe the Marcos family needs to be accountable for the stolen wealth and the ML human rights abuses, but BBM is our duly elected President and I felt his SONA was good. Kung successful ang admin, success din ng Bayan.”
Pero may sumagot ulit : “Good to know Ms. Bianca that you drew the line & that you’re still supporting the good governance that Ma’am Leni is standing for. Need maging klaro, bec there are people who look up to you & might misinterpret your previous tweet. Specially those who are still ‘persuadables’.”
Kaya nagpahabol si Bianca : “Hindi ako nag ‘change sides’ at hindi naiba ang paninindigan ko dahil sa isang speech.
Ayan loud and clear. Same pa rin ang ‘kulay’ niya.