^

PSN Showbiz

Pelikulang Katips makikipagtapatan sa Malacañang

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Pelikulang Katips makikipagtapatan sa Malacañang

May katapat pala sa August 3 playdate ang controversial movie na Maid In Malacañang, ang Katips.

Ang pelikulang ito ang nakakuha ng pinaka-maraming nominasyon sa FAMAS pero sa August 3 pa lang ito mapapanood sa mas maraming sinehan.

Naipalabas na raw ito noong November 2021, kaya’t nakasama ito sa mga ni-review ng FAMAS at luckily sila ang nakasungkit ng pinaka-maraming nominasyon ayon sa producer, writer, director at actor na rin ng pelikula na si Vince Tañada.

Pero wala silang takot na makipagtapatan sa Maid in Malacanang. “Alam kong malulugi kami, pero handa kaming gawin ang lahat para mapanood din ang aming pelikula,” bungad ni Direk Vince sa isang face-to-face media conference nito kahapon.

Aminado siyang wala silang maraming sinehan, konti na lang, dahil bukod sa naging biglaan ang desisyon nilang ipalabas ito, alam nilang higanteng pelikula ang kalaban nila.

Ngayong araw din lang ito iri-rate ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at naghahabol sila sa R-13.

Ang Katips : Ang Mga Bagong Katipunero ayon pa kay Direk Tañada ay tatalakay sa sinasabi nilang ‘darkest  era’ ng Philippine history.

At isinalaysay dito na isang musical ang diumano’y lihim na grupo na nagpo-protesta laban sa mga kalupitan noong panahong iyon at nagbabalik-tanaw sa mga aktwal na pangyayari noong Martial Law pati na rin ang paglalahad ng mga umuusbong na kuwento ng pag-ibig.

Hangad ni Direk Tañada na sa pagtatapat ng dalawang pelikula nang magkaiba ang tema ay makatulong sila upang mabuhay ang interes ng mga tao na manood sa mga sinehan.

“Hindi kami takot sa kalalabasan ng pelikula namin dahil simple lang ang kuwento nito - tungkol sa mga simpleng tao na nabubuhay noon.

“Wala kaming mga clip sa YouTube o kung anuman,” dagdag niyang pahayag.”

Sa entablado unang napanood ang Katips noong 2016 at nanalo pa pala ng Aliw Awards for Best Musical Performance of the Year. “Kaya naniniwala ako na napapanahon ang pelikula namin.”

Bida sa Katips si Jerome Ponce, Mon Confiado, Johnrey Rivas, Lou Veloso, Nicole Laurel Asensio, Adelle Ibarrientos at marami pang iba.

At upang maging makatotohanan ang pelikula, ayon pa kay Direk Tañada, tinulungan sila ng ilang historian upang masigurong may hustisya ang chronological accurancy ng mga pangyayari.

Maganda rin naman ang ganitong pangyayari at nabubuhay na nga ang movie industry.

Halos tatlong taon na ring matumal ang Tagalog films.

O kung meron mang pinalalabas na Tagalog, malungkot ang nagiging kapalaran sa takilya.

KATIPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with