Liza nagmukhang baguhang celebrity sa Korean tv show

Liza Soberano.

Kung sa bansa ay big star status si Liza Soberano, nang mag-guest siya sa isang TV show sa Korea parang papa-umpisa pa lang siya sa kanyang career.

Napanood nga ang guesting niya sa programang Not Hocance But Scance hosted by Ye Ji-won, Ji-young Kang, Nicole Jung and Soyou.

Chikahan lang ito over barbeque set-up ng apat na host habang ininterview nga si Liza.

 Aniya nang tanungin siya kung anong ginagawa niya sa Korea : “Kind of vacation and kind of work. I am just exploring Seoul.

Inamin din niyang huge fan siya ng K-Pop and K-Dramas kaya gusto raw niyang magtrabaho roon.

Nauna na niyang nilagay sa kanyang IG stories ang nasabing guesting : “Had my first ever Korean show guesting tonight on MBN’s Not Hocance But Scance. Produced by @pdlshoon. Thank you to the hosts and guests of the show for making the experience fun and comfortable!” 

May isang host na nakaka-English kaya nagkaintindihan naman sila.

Pero ‘yun nga, parang hindi pang-status ng career ni Liza sa bansa ang naging appearance niya.

Mas mabuti rin siguro kung talagang seryoso siyang magka-career sa Korea, mag-aral din siya ng kanilang language.

Show comments