Miguel, inspired dahil kay Isabel

Ysabel
STAR/ File

Super pretty sa screen ni Ysabel Ortega.

Walang mantsa ang balat at alam mong anak mayaman. Mas maganda pa nga siya actually sa ibang Korean star na kinababaliwan ng Pinoy fans.

At lutang ang prettiness ng anak ni Michelle Ortega sa co-production series ng GMA 7 and Quantum Films na What We Could Be na mag-uumpisang mapanood sa Aug. 15 until October.

Ka-partner ni Ysabel dito si Miguel Tanfelix na umaming inspiration niya ang dalaga.

Movie serye ang treatment sa What We Could Be kaya sinabi ni Ysabel na sobrang overwhelmed siya.

“Hindi pa rin ako makapaniwala to be honest, so grateful and so proud of this,” pag-amin ni Ysabel sa ginanap na press preview last Monday.

Ginagampanan niya ang isang nurse na hindi nawawalan ng pag-asa sa Pilipinas kaya’t nagtiyaga sa trabaho hanggang naging private nurse siya ng isang mayamang lola na pinamanahan siya.

At doon nag-umpisa ang lahat.

“I fell in love with my character, kaya I’m so grateful sa project na ito,” ulit niya.

At umamin naman si Miguel na isa si Ysabel kaya’t inspired siya sa proyektong ito. “Isa ‘yun sa rule sa sarili ko na everytime na nagwo-work ako kaila­ngang inspired ako. And thankfully, isa si Isabel sa nagbibigay ng inspiration sa akin,” na ikinakilig ng mga ibang andun.

Pero walang sinabi si Felix na officially ay sila na.

“Lahat naman po tayo puwedeng maging inspired. Hindi naman po siya kailangang mag-jowa kayo. Or meron kayong something,” katuwiran ni Miguel.

Hanggang sa pagiging crush lang ang inamin niya.

Pero biglang sabi naman ni Miguel na lagi siyang andyan para sa ka-loveteam : “Andito ako lagi para i-support siya, ‘pag nakikita kong pagod siya andito ako.”

Sa Voltes V unang nagtambal sina Miguel at Ysabel, noong 2021, na sa 2023 pa ipalalabas. At naging magandang foundation daw ‘yun para mawala ang kahit anong awkwardness nila rito sa What...

“Dito parang click kaagad kami,” chika ulit ni Ysabel.

Kukumpleto naman sa kanilang love triangle ang Kapuso actor na si Yasser Marta.

Ang programang ito ang kauna-unahang collaboration ng GMA Network at Quantum Films ni Atty. Joji Alonso na kilala sa paggawa ng box office movies gaya ng English Only Please, #WalangForever at Ang Babae Sa Septic Tank.

Ang What We Could Be ay isang feel-good series na swak sa millennials at pang-pamilya rin. Umiikot ang kwento nito sa pag-abot ng mga pangarap, paghahanap sa sarili at pakikinig sa tunay na tinitibok ng puso.

Nutribun feeding program, makikinabang sa Maid In Malacañang

Finally, nagkaharap na sina QC Mayor Joy Belmonte at controversial Darryl Yap.

At puring-puri ni Maid in Malacañang director si Mayor Joy nang magkita sila.

“She’s very gracious, ang bait. Ang sabi naman niya, she knows politics. It’s just that may mga malalapit sa kanya na nag-react. But she told me she’d see what she can do about the persona non grata thing,”  banggit ni Direk Darryl.

At ang bongga, manonood si Mayor Joy ng premiere night nito kasama pa ang mga councilor.

Nangako rin daw si Mayor na magpapadala ng security si Mayor.

Hindi na raw nila napag-usapan ang tungkol kay AiAi delas Alas at kung okay na siya kay Mayor Joy dahil sabi ni Direk Darryl, mabilis ang pag-uusap nila ni Mayor Joy.

Samantala, mapupunta pala ang significant portion ng kikitain ng pelikulang Maid In Malacañang sa Nutribun feeding program.

Show comments