Miguel at Ysabel, walang label!

Miguel
STAR/ File

Kitang-kita namin ang tuwa at ang pagiging proud ni Michelle Ortega sa anak niyang si Ysabel Ortega na bida sa bagong drama series ng GMA 7 at Quantum Films na What We Could Be.

Nagkaroon sila ng press preview na ginanap sa Trinoma nung nakaraang Lunes na dinaluhan ng mga star ng seryeng ito.

Kasama ni Ysabel na dumalo ang leading man at rumored boyfriend niyang si Miguel Tanfelix at iba pang co-stars na sina Yasser Mata, Vince Crisostomo, Joyce Anne Burton, Joel Saracho, Soliman Cruz, at Bimbo Bautista.

Pinanood namin ang first four episodes ng series sa GMA 7 simula sa Aug. 15. Ito ang papalit sa timeslot ng Love You Stranger pagkatapos ng Bolera.

Ang unang episodes ng What We Could Be ay naka-focus muna kay Ysabel na gumaganap bilang isang nurse na nag-alaga sa matandang masungit na ginagampanan ni Celeste Legaspi.

Impressive siya rito at kahit nga ang direktor nitong si Jeffrey Jeturian at bilib kay Ysabel.

Naitayo raw ni Ysabel ang pagsisimula ng kuwento dahil sa maga­ling niyang pagganap.

Sa teaser ng susunod na episodes at nakikita na ang kilig-kiligan sa tandem nina Ysabel at Miguel, dagdag pa ang conflict ng karakter na ginagampanan ni Yasser.

Pero masusubukan ang loveteam ng dalawa kung kakagatin ba ng manonood.

Dito kaya iti-test muna sila bago ipalalabas ang Voltes V?

“‘Yun talaga ang mauuna before ang Voltes V at alam naman natin na maraming kailangang tapusin muna ‘yung Voltes V, maraming kailangang paghandaan. Test, siguro in a way. Pero hindi naman naka-focus ‘yung loveteam sa Voltes V e. Hindi siya ‘yung main story. Ito ibang story itong What We Could Be. Hindi siya preparation para sa Voltes V,” saad ni Miguel. “Ito, it’s entirely different take compared sa Voltes V.

“Nakakapanibago din,” pakli ni Ysabel.

Nakikita namang adjusted nang mabuti ang dalawa, dahil kahit off cam ay close na close sila. Nandiyan na ang pagdududa na sila na ba talaga?

Napangiti si Miguel nang kinulit namin kung sila na o nanliligaw pa lang.

Aniya: “Kami ni Ysabel, we’re very close. Kung tatanungin natin ‘yung relationship namin, as in smooth. Kumportable kami sa isa’t isa. Nagtutulungan kami before the scene, and after the scene, pinag-uusapan namin. Pero ‘yung personal relationship namin, okay din. Ahh…masaya.”

Sinundan siya ng tanong kung paano nila ma-des­cribe o i-label ang namamagitan sa kanilang dalawa. “Parang walang words e para mag-describe ng relationship namin. Pero okay kami. Happy kami together. Comfortable kami sa isa’t isa,” sagot ni Miguel.

“‘Yung label, is  ‘what we could be’ sho­wing na sa Aug. 15,” napapangiting pakli ni Ysabel. Hindi naman isinasara ang posibilidad na maging sila, dahil pareho naman daw silang single. “Open naman ako sa possibilities. I’m single. She’s single. Puwede mangyari…. hindi natin alam kung ano ang puwedeng mangyari in the future,” tugon ni Miguel.

“Parang part na rin kasi ‘yun sa… ‘yun nga, for example sa Voltes V. We always talked about this. We’re very close with everyone there. So, we make it a point talaga to develop our relationship outside of work. Kasi nakakatulong naman talaga sa project namin.

“Basta right now, we’re just enjoying the moment. We will have working with each other. Nai-enjoy namin kung ano man ‘yung ginagawa namin together, and one of that is this show and Voltes. Siguro that’s it. We’re just enjoying our time,” safe naman na sagot ni Ysabel.

Abangan na lang natin ito sa Aug. 15, na nakikita naman naming maganda ang loveteam nila.

Top class…, umiinit ang mga pangyayari!

Nasilip ko itong reality show na Top Class:  Rise to P-Pop Stardom at dito mo nakikita ang matin­ding drive ng mga kabataang mag-excel sa kanilang talent at magkaroon ng puwang sa industriyang ito. Malapit na kasi ang tanggalan mula sa 22 trainees kaya lalong umiinit na ang scenario sa loob ng Top Class campus.

Ang daming nag-react sa pagturo ni Top Class trainee Roj kay trainee Kim na kailangan pa raw nitong humusay. Sinabi pa niyang kung sakaling bumagsak daw silang dalawa sa bottom at siya pa ang matatanggal, tala­gang masasaktan siya.

Kaya nagkaroon ng sagutan, na pati ang ibang trainees ay nagbigay rin ng kanilang opinyon. Ito ang isa sa aabangan sa darating na Sabado kung sino ang magpapaalam sa mga Top Class trainees.

Tutukan natin ito sa Sabado ng 5 p.m. sa TV5 na mapapanood din sa iWantTFC at Myx Global, at araw-araw ay nasa Kumu naman ito. Puwede n’yo ring subaybabayan sa kanilang Facebook, Instagram, at Twitter.

Si Catriona Gray ang host nito at ang mga vocal mentor ay sina KZ Tandingan, ang vocal coach ng BGYO na si Jerwin Nicomedez, at ang alamat ng Rap Battle na si Loonie.

Show comments