Pelikula tungkol sa HIV susubok sa mga sinehan!
Ang daming kaibigan ng favorite make-up artist ng maraming celebrity na si Bambbi Fuentes ang nagka-HIV (human immunodeficiency virus).
At ito ang nag-push sa kanya para i-produce ang pelikulang Sugat Sa Dugo (Wounded Blood, The Truth) na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa September.
“I thought of making this film kasi ang dami kong friends na tinamaan ng HIV and it’s about time magkaroon ng awareness ang mga tao specially the young ones na konti lang ang knowledge about HIV,” umpisa niyang pahayag tungkol sa ginawa nilang pelikula.
Ayon sa fact sheets na inilabas ng https://www.aidsdatahub.org/ kamakailan: Noong Pebrero 2022, mayroong 1,054 na kumpirmadong HIV-positive na iniulat sa HIV/AIDS & ART Registry of the Philippines (HARP) at naitala sa kabuuang (96,266) mula noong Enero 1984. Bukod dito, 28% (297) na iniulat noong Pebrero ay nagkaroon ng advanced HIV infection sa panahon ng pagsusuri.
“Akala kasi natin tapos na siya, I mean wala nang ganitong sakit pero marami pa rin ang tinatamaan ng sakit na ‘yan,” sabi pa ni Bambbi.
“Awareness is our main objective pero kung kikita, bonus na ‘yun,” dagdag niya.
Nung umpisa ay short film lang talaga ang plano nila, para sa YouTube lang.
Pero naisip nilang gawing full length nang nanalo si Janice de Belen ng Best Actress sa International Film Festival Manhattan Autumn 2021.
“Na-inspire kami sa panalo ni Janice. Saka talagang panahon na para magkaroon ng mataas na awareness ang lahat tungkol dito,” emosyonal na sabi niya.
“Naapektuhan ako nang magkasakit ang ibang mga friend namin. Na hindi rin talaga namin alam na meron na pala silang ganung sakit,” dagdag na kuwento ni Bambbi.
Matagal nagluksa si Bambbi sa mga nasabing kaibigan kasama ang ilan pang friends sa Amerika.
Kaya’t minsan na nasa Amerika siya nag-inuman sila sa bahay ng isang kaibigan at doon nabuo ang idea ng pelikulang ito. “Sinabi ko na ‘I’ll make na lang AIDS an advocacy.”
Kaya mabilis niyang nasulat ang script.
Ang ten-minute advocacy film lang na original plan naging 40 minutes. Hanggang maging 1 hour and 35 minutes.
Ang naging problema niya ay funds dahil pandemic.
Pero hindi nagdamot ang mga kaibigan niya nang humingi siya ng financial help.
At ang unang nagbigay ng tulong para maumpisan ang pelikula, ang kanyang pamilya sa Amerika.
Doon na nag-umpisa ang Sugat Sa Dugo.
“Mas mahirap mag-produce ng advocacy film. Kailangan ng maraming details before you’re able to make a full lenght film,” pag-amin niya.
Pero ginawa niya ang lahat. “Inisip ko na lang ang mga kaibigan kong nawala dahil sa HIV.”
Ang isa sa mga kaibigan ni Bambbi na nagkasakit nito at binawian ng buhay ay designer na kakilala rin namin.
Very promising ang designer na ito. Mabait at mahusay makisama.
Pero wala siyang naramdaman agad na infected na siya ng HIV.
Huli na ang lahat nang madiskubre.
Kasama ni Janice sa pelikula si Sharmaine Arnaiz at ang Dragon Talent Management artists na sina Khai Flores, Steven Dayrit, Christa Jocson, Shira Tweg, Mira Aquino, among others directed by Danni Ugali.
Bukod sa pagiging producer and screen writer — talent manager na rin si Bambbi.
Kasama niya sa kanilang management group na Dragons Talent Management and Productions ang kaibigan niyang si Tine Areola.
Dalawang dekada na si Bambbi sa pagiging make-up artist to the stars bago niya pinasok ang pagiging producer and script writer.
Pagkatapos ng Sugat sa Dugo, may mga nakaplano pang pelikulang gagawin sina Bambbi at Tine para sa mga alaga nila sa Dragon Talent Management ang Productions.
At parami ang mina-manage na talents ng Dragon Artists Management. Pagkatapos ipakilala ang grupong Gandaras, ipinakikilala nila ang male discoveries nilang sina Khai Flores, Leone Adriano, Esteven Dayrit and RJ Ariar na tinawag nilang Dragon Boys.
Pero sa ngayon ay nakatutok sina Bambbi and Tine sa promo ng Sugat sa Dugo na malamang na ipalabas sa mga sinehan sa September.
Sana nga ay maraming makapanood ng pelikula upang magkaroon ng kaalaman tungkol sa HIV.
Pia, tatakbo sa New York
Tatakbo sa New York marathon si Pia Wurtzbach.
At ito ang kauna-unahang niyang pagtakbo ayon sa dating Miss Universe.
“Grabe sila.”
“There’s no way I could do that.”
“That’s crazy.”
“It’s only 3 months before race day — and these were my thoughts before I started training and got serious about running cos I was never a runner before, and I couldnt even stand doing any sort of cardio then. But I’ve always looked at runners with a lot of respect.
“But here I am getting ready for the NYC marathon @nycmarathon. It will be my first ever marathon & I’ve been training for it since late Feb.”
“Something clicked over New Year (when I had Covid) and I was just sick and tired of being sick and tired. I felt like, “Okay Pia if you don’t do it now, you’ll never do it.”
“So I took the chance! I joined the registration (not under a brand or org this time), made a donation and waited… and I got in! It didn’t take me 3 tries this time! Yay! My ticket to my first ever marathon. “Pia Alonzo Wurtzbach, Athlete from the Philippines!” na ba to?! Chos lang.”
“But seriously, I’ve been having so much fun with it and it has improved my life.
“I feel better.
“I sleep better.
“I manage stress better.
“And it feels so good to actually feel and see progress. Today, my weekend runs go for 18km++ when a few months ago I couldnt even finish 3k without hating everything. What I’m trying to say is - it’s all possible.”
“Anyway, ang haba na nito. BTW, hello also from Italy! “It’s been a little challenging to train here with all the pizza and gelato around. But LABAN! I’ll be sharing more about my running journey as race day gets closer. Wish me luck,” ang post nito.
Diether, naibenta ang mga naipong ari-arian?!
Tinuloy pala ni Diether Ocampo ang pagpi-piloto.
Biglang nag-pop up sa account ko ang fan page ni Diether at doon nga naka-upload ang mga picture niya na naka-uniform na pang-piloto.
Nega ang huling balita sa actor, nang masangkot siya sa isang aksidente sa may Makati.
Bagama’t nag-apologize noon si Diether sa mga naabala niya nang makabangga ng truck ng basura sa Osmeña Highway.
Naglabas siya ng official statement noon, pero walang banggit kung nakainom nga siya that time dahil ito ang pinag-usapan matapos ang aksidente at natagpuan siyang sugatan na parang ayaw pang magpadala sa hospital.
Good for him dahil ang sabi, naibenta rin ng actor ang kanyang mga naipong ari-arian noong kalakasan ng kanyang career sa showbiz kasama na raw dito ang isang lupain na matatagpuan sa prime location sa QC.
Heart pang-Paris ang rampa sa SONA!
Winner si Heart Evangelista sa opening 19th Congress sa House of Representatives.
Suot niya ang terno and Filipiniana na gawa ng kaibigan niyang fashion designer, si Mark Bumgarner.
Parang nasa Paris Fashion Week siya actually dahil nag-uunahan sa kanya ang mga photographer.
Pero ang dami rin naman magandang ibang terno / Filipiniana like Totsy Angara (wife of Sen. Sonny Angara), Kathryna Pimentel (wife of Senator Koko Pimentel), Sen. Nancy Binay, Mayor Lucy Torres, at iba pa.
Though parang nabawasan ang excitement ng mga tao sa pagbabantay ng mga outfit ng mga rumampa sa SONA kahapon.
Mas inabangan nila ang mga sinabi ni Pangulong Marcos at kung ano ang magagawa nito para bumuti ang buhay ng bawat Pilipino.
- Latest