Rica Peralejo sa ika-3 miscarriage: ‘I was kind of prepared’
MANILA, Philippines — Emosyonal at hindi naging madali para kay Rica Peralejo at kanyang asawa ang nakaraang apat na linggo matapos muling “makunan” ng baby ang aktres.
Sa kanyang YouTube vlog, Linggo, sinabi ng aktres na bago mag-Father’s Day niya pa nalaman ang kanyang pagbubuntis. Hindi niya raw ito inaasahan dahil inaakalang nasa pre-menopausal stage na.
“This one was quite different because I'm already 41 and when I missed my period, sabi ko, ‘Hala! nag start na ako ng pre-menopausal symptoms,'” ani Rica sa kanyang vlog kahapon.
"Just the fact that I took a pregnancy test and nag-negative siya. Pero something in me made me want to check after about a week yata and I did another pregnancy test. Nag-positive na siya."
Dahil nga ilang ulit na silang sumubok na magka-baby at nauuwi ito sa miscarriage, napagplanuhan na raw nilang mag-asawang gumamit na ng iba’t ibang paraan para hindi na siya mabuntis.
“Ito siguro 'yung first time na hindi kami nagta-try pero merong nakalusot. In fact, prior to this accident, my husband and I were talking about the different options of not getting pregnant anymore kasi we were feeling na nga the age.
“Medyo surprise talaga 'yon. When I saw that the pregnancy test turned positive, I immediately messaged my OB to say, 'I think I am pregnant.' And then we calculated some days and she said, ‘Oh you’re right. You must be. Let’s wait a while and you rest and you eat well',” ani pa ni Rica.
Matatandaang dalawang miscarriage na ang pinagdaanan ni Peralejo bago ang pinakahuling miscarriage niya.
“[My husband and I] already know the drill na kapag nabubuntis ako, hindi naming pwedeng agad agad i-embrace 'yung pregnancy as though it’s going to happen because we know that there is a possibility of losing that.”
Pagkatapos ng ilang ultrasound, sinabi ni Peralejo na isang sac lang ang nakita ng kanyang doktor ngunit walang embryo sa loob nito.
Mula noon, hindi na siya nakaramdam ng pagbubuntis.
“I was kind of prepared. This was different from the other two because this one spontaneously, I just bled. I felt na my body knew already na there was no life in my womb. When I went for my last ultrasound, nakita nila na it’s still a sac. It did not develop any embryo at all. We had to already accept the reality that this is not gonna develop anymore. I knew the pregnancy has ended,” wika pa ni Rica.
Sa kabila ng lahat nang nangyari, buo at malakas pa rin ang pananampalataya ng aktres na ginagabayan siya at kanyang pamilya ng Panginoon. — Philstar.com intern John Vincent Pagaduan
- Latest