BEVERLY HILLS, CA. — Jinkee Pacquiao is Jinkee Pacquiao! ‘Yan lang ang masasabi ko, Ateng Salve, dahil talaga namang maraming mga Pinoy ang nag-aabang sa kanya sa ilang mga kilalang pamilihan at pasyalan dito, huh!
Aba, may ibang mga kakilala ko na nagpunta pa sa Rodeo Drive nang mag-post si Jinkee ng pictures na kuha sa lugar na ‘yon kung saan kasama niya ang mga kapatid, mga anak at iba pa.
Eh, hindi naman real time ang mga picture na pino-post ni Jinkee. Pino-post niya ang mga ‘yon kapag nanggaling na sila roon.
Like ‘yung sa Solvang, aba, may isa akong kakilala na biglang nag-ayang magpunta roon at gustong magpa-picture sa misis ni Manny Pacquiao. As if naman ang lapit lang ng lugar na ‘yon, huh!
Anyway, obvious na masaya si Jinkee sa pagbabalik niya sa Los Angeles, California dahil naka-bonding na naman niya ang anak na si Jimuel Pacquiao na ang tagal na rin dito sa Amerika.
The last time na nakatsikahan namin si Jinkee ay naikuwento niyang sa bahay nila sa Hancock Park area nakatira si Jimuel.
Teka! Doon din kaya naka-stay ngayon si Jinkee? Noon kasi kapag nandoroon ang mister niyang si Manny at nagte-training para sa mga nakaraang boxing fight nito ay nagre-rent ng ibang lugar ang misis ng Pambansang Kamao.
Jed Madela, umaray sa mga namemeke ng kanyang laruan
Kahapon ay nakatsikahan namin si Jed Madela bago ang press conference niya para sa kanyang Jed Madela: Live in Los Angeles concert on July 30
Sa Envision Center sa Van Nuys na produced ng singer na si Garth Garcia.
May reklamo si Jed tungkol sa panggagaya sa kanyang Vudu dolls at pagbebenta nito sa market na wala siyang pahintulot.
Iniba lang daw ang logo niya.
Umalma si Jed dahil pinagpaguran niya ang mga design ng Vudu dolls niya.
Wala siyang permission at approval sa bagay na ‘yon kaya may mga nilapitan na siya para kausapin ang mga taong nasa likod ng bagay na ‘yon bago raw siya gumawa ng serious action.
Sabi pa ni Jed, maliit lang ang industriya nilang mga art toy makers sa Philippines, kaya bago siya gumawa ng legal action ay mas gusto niyang makausap ang mga may kagagawan no’n.
Aba, hindi nga naman tama na kopyahin ang kanyang Vudu dolls at ibenta ‘yon sa market na wala siyang pahintulot, ‘noh?!
Malaking kalapastangangan nga ‘yon sa kanya!
Um-appeal naman si Jed sa mga basher ng Team WCOPA na sinusuportahan niya.
Isa si Jed sa humingi ng financial support para sa ating mga singer na kasali sa WCOPA.
Pero dahil doon, nakatanggap ang mga ito ng bashing.
Sabi ni Jed, “To all the bashers of WCOPA Team Philippines, if you can’t help them, don’t hurt them!”
Actually, Ateng Salve, noon pa naman ay himihingi talaga ng financial support ang mga sumasali sa WCOPA dahil talaga namang magastos ang pagsali sa kumpetisyon na ‘yon.
Ang problema lang talaga sa iba, hindi na nga sila willing na tumulong financially ay ang hilig pang mam-bash.
Eh, kung mag-champion naman ang mga sumasali sa WCOPA ay malaking karangalan naman ‘yon sa ating bansa, ‘noh?!
‘Yun na!