“Kapag umiyak, pa-victim. Kapag pumalag mayabang. Hirap kabonding. Bagoong gusto mo? Aug. 3 #MaidInMalacañang,” buwelta ni Ella Cruz sa naging reaction ng netizens sa kanyang interview kay tito Boy Abunda nang sagutin ang controversial statement niyang ‘history is like tsismis.’
Na ayon kay Ella ay hindi niya inaasahang magiging massive ang backlash dahil pakiramdam niya ay sinagot lang naman niya ang tanong sa kanyang point of view sa history.
Na-bash siya nang bonggang-bongga sa nasabing statement pero marami raw siyang natutunan at nakilala ang mga totoong kaibigan. “Another lesson is to be strong, really really strong, and stand for yourself.”
Grabe ang iyak niya sa nasabing interview ni tito Boy sa The Interviewer Presents. Lalo na doon sa part na tinanong siya tungkol sa mga kakilala niyang nagkomento tungkol sa famous line niya tulad ni Pokwang. Umiyak na ulit si Ella at sinabing nasaktan siya. “Hindi ko po inasahan na masasabi niya ‘yun. Naging nanay ko po (sa Aryana) kasi siya even though 10 years ago. Ok lang po kasi ‘yung isang tweet. Pero tatlo po kasi ‘yung nakita mo. OA na, below the belt na.”
Isa kasi sa tweet ni Pokwang ay: “o yung naghahanap ng letter E na kulang ko sa iodin ayan na!!! E! di bale ng kulang sa letra kesa naman kulang sa kaalaman at respeto sa kasaysayan!!! dadamihan kopa ayan o EEEEEEEEEEEEEEEEEEE ok na? ”
Kaya’t trending sila pareho ni tito Boy na parang ang mga nagko-comment naman ay hindi napanood ang nasabing interview ni Ella at panay na lang ang comment sa mga lumalabas sa social media.
Actually, ‘yun ang style sa social media ngayon. Kahit ‘di nila napanood maraming nagko-comment agad.
Or ‘yung iba namang mga website namumulot na lang ng statement at wala nang effort na mag-interview at ang label na nila, content creator.
Pero talagang ang bottomlime, si Ella ang nagwagi.
Anyway, totoo kaya ayaw na ayaw kay Ella ng parents ng boyfriend niyang si Julian Trono?
Matagal na rin ang relasyon nila at baka naman this time ay tanggap na rin nila si Ella.