Tali, nakaka-happy ang energy
Natawa ako nang tumawag si Tali, anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna sa phone, Salve. Nasa dialysis room ako at medyo low ang energy pero napasaya ako ng tawag ni Talitha. Lalo na nang itanong niya kung ‘you need kiss, you want money?’ hah hah hah.
Parang alam niya na harbatera ang Lola Lolit niya kaya nagtanong siya ng ganun. Saka touched naman ako dahil kay Vic Sotto na nagparamdam din ng concern. Parang anak ko talaga sila Pauleen dahil sa tiwala na binigay ni Mommy Chat noong busy pa si Pauleen sa showbiz.
Kaya siguro parang isang tunay na ina na very happy ako makita na maligaya at tahimik ang buhay ni Pauleen sa piling ni Vic.
‘Yung inner happiness, ‘yung peaceful nilang buhay, patunay talaga na basta ang anak sumusunod sa magulang mapapabuti ang buhay mo. Si Pauleen Luna-Sotto ang patunay nito.
Jessica Soho, may special report tungkol sa PHSA na namolestiya
Panonoorin ko ngayong Linggo (July 24) sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ni Jessica Soho ang ilan sa mga dating estudyante ng Philippine High School for the Arts (PHSA) sa Laguna.
Buong tapang pala silang lumantad para isiwalat ang pinagdaanan nilang pangmomolestiya diumano mula sa dati nilang guro. Makakamit pa nga ba ng mga biktima ang hustisya? Paano ba masisigurong ligtas ang mga estudyante sa paaralan?
Sana nga ay mabigyan ng tamang hustisya ang mga batang ito na nabiktima ng pambabastos sa murang edad.
Tampok din sa KMJS ang pinakamatinding laban ng Asia’s Fastest Woman na si Lydia de Vega na ngayon ay humaharap sa karera laban sa breast cancer.
- Latest