^

PSN Showbiz

Coco, makakapahinga na sa pagiging probinsyano

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Coco, makakapahinga na sa pagiging probinsyano
Coco Martin.

Salamat naman at matapos ang pitong taon makakapagpahinga na rin si Coco Martin bilang Probinsyano.

Kung ganyan na kahaba ang serye, talagang mauubusan ka na rin ng ideya.

May mga pagkakataong ni-replay ang Probinsyano. Una noong magkaroon ng lockdown dahil sa COVID-19, tapos nang bigla nga silang patigilin noong mag-expire ang prangkisa ng ABS-CBN. Pero inilaban nila at ginastusan nila.

Ngayon sila na mismo ang gumawa ng desisyon na itigil iyon. Hindi naman dapat sisihin si Pastor Apollo Quiboloy sa pagtigil ng Probinsyano.

Papalit sa pagtatapos nila ang Darna : The TV Series.

Nang mawala ang free TV ng ABS-CBN, napanood sila sa A2Z at TV5 at sa iba’t ibang digital platforms.

Magastos ang Probinsyano at tiyak na nabawasan ang commercial value nila noong walang ABS-CBN bagama’t malakas sila sa digital pero iba pa rin ang free TV.

Pero sabi nga ni Coco mismo, masakit pero everything must come to an end. Three week na lang ang Probinsyano.

At least mapapahinga na si Coco, at mas magkakaroon siya ng panahon para sa kanilang love affair ni Julia Montes.

Chair Tirso, inaasahang maaayos ang film industry

Simula sa Lunes, pormal at regular nang papasok si Chairman Tirso Cruz III sa tanggapan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP). Wala nang kahit na anong hadlang. Hindi naman dapat magkaroon ng hadlang. Ma­ling katuwiran na ang dating chairman ay naitalaga pa ng dating pangulo ng tatlong taon pa. Ang termino ng pangu­lo ay anim na taon lamang. Hindi siya maaa­ring magtalaga ng opisyal na nasa ilalim ng kanyang tanggapan ng siyam na taon. Bagama’t binigyan pa raw ng exe­cutive secretary ng pagkakataon na ayusin ang FDCP hanggang Aug. 7 ang dating officials, mabuti naman at hindi na sila nagkaroon ng resistance nang mag-take over si Chairman Pip.

Maraming umaasang mas aayos ang industriya ngayon, dahil ang lea­nings ni Chairman Pip, ibalik ang mains­tream movies at mapasok na muli ng pelikula ang mga sinehan. Noong nakaraan, sinuportahan nila ang mga baguhan at mga indie, kaya nawala ang mga pelikula sa sinehan at bumagsak na lang sa internet.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with