Lumaki raw talaga ang puson at laging masakit ang likod ng isang sexy star na napapabalitang preggy ayon sa isang source.
Oo nga raw at tuloy naman ang trabaho nito pero, lately nga raw ay parang laging may sinasabing nararamdaman.
Ang na-confuse raw ang source ay sa version na na-infect ito ng virus samantalang ang alam daw ng ilang staff ng ginagawa nitong pelikula na negative ito sa series of antigen tests.
Anyway, hayaan na nga natin siya.
Prerogative naman niya kung gusto niyang itago o i-deny ang sinasabing pagdadalang-tao niya kung totoo man ito.
Kumbaga buhay naman niya ‘yun.
Wala namang lihim na ‘di nabubunyag.
Hintayin na lang natin siyang umamin, kung may aaminin nga siya.