Jake, walang regret sa nangyari sa kanila ni Kylie
Wala raw pinagsisisihan si Jake Cuenca pagdating sa pag-ibig.
Nakailang relasyon na ang aktor at maayos namang nakipaghiwalay sa mga naging kasintahan noon. “I’ve never regretted loving someone. Siguro at this point in my life, I’m 34 (years old) at my most mature point in my life. I wouldn’t do things differently. Gano’n talaga ako magmahal eh. I give everything and in the end if it doesn’t work out or if it works out, at least you gave it your best,” makahulugang pahayag ni Jake.
Matatandaang si Kylie Verzosa ang pinakahuling naging kasintahan ng aktor at tumagal ng tatlong taon ang relasyon ng dalawa.
Pagkatapos ng kontrobersyal na hiwalayan ng dating magkasintahan ay malaki umano ang naitulong kay Jake ng kanyang pamilya upang maka-move on. “Go to your family because your family only has your best interests at heart. They won’t give you advice that’s going to benefit them. They only give the best advice that will benefit you,” pagbabahagi ng binata.
Hindi pa nararanasan ni Jake na makipagbalikan sa dating nakarelasyon.
Kung sakaling mangyayari ito ay wala naman umanong magiging problema sa aktor. “Ayoko sumagot nang patapos. I’d rather say yes, than no,” giit ng aktor.
Matapos amining bisexual... Alex, takot pa rin sa commitment
Tatlong taon na ang nakalilipas nang aminin ni Alex Diaz sa publiko na siya ay isang bisexual.
Mula noon ay tinanggap na raw ng aktor na makakaapekto ang ginawang paglalantad sa kanyang karera. Malaki ang pasasalamat ni Alex na natanggap naman ng publiko ang kanyang ginawa. “Being in the closet and outed is hell especially in a country like this na very conservative. Alam ko tapos na ‘yung career ko dito but sobrang nakahinga ako. Like 25 years I was holding my breath. Ganito pala mabuhay nang wala kang itinatago. Nothing different, it’s still me. Nothing changed that much,” kwento ni Alex.
Sa ngayon ay walang karelasyon ang hunk actor. Nagkaroon umano ng masamang karanasan si Alex sa dating nakarelasyon. “I’m just happy and I’m still trying to explore it and still dating. I’m so scared of commitment. I really have bad trust issues. Siguro date-date lang muna but no serious relationship for now,” pagtatapat niya.
Samantala, malaki raw ang nagagawa ng pag-inom ng alak kay Alex. Nagiging agresibo ang aktor kapag nalalasing. “Kapag hindi ako lasing, wala, torpe ako. But when I’m drunk, ‘pag basag ako, walang makakapigil sa akin. When I like somebody, I will definitely say it,” paglalahad ng aktor. (Reports from JCC)
- Latest