Siguro nga dahil iba ang hospital feeling kaya almost to the point of breakdown na ako. Either iyon ang epekto ng dialysis or sakit ko pero parang feeling hopeless ako.
Down na down at parang sensitive na sensitive.
Pero in fairness, ‘pag nakikita ko sina Salve at Gorgy Rula, plus ‘yung cheerful na medical staff parang naa-uplift na naman spirit ko. Kaya nga nag-request ako, Salve, na hayaan mo lang ako mag-IG at mag-column para meron akong pinaglalabasan ng emotions ko.
Hindi ako nag-e-enjoy manood ng kahit ano, sakit ang mga mata ko magbasa, text-text lang ako.
Lalo na ‘pag nasa dialysis ako ng four hours nakababad, kaloka talaga. Nawala ‘yung pagiging Wonder Super Woman feeling ko at talagang biglang feeling hinang-hina ako.
Buti na lang hindi ako gaanong nawalan ng sense of humor kaya natanggap ko na lang talagang ‘pag 75 ka everything goes, hah hah, pati sa life, pasang-awa ang 75.
Grabe. Huwag sana totally mawalan ako ng motivation, or else, susuko na ako. Basta laging nasa tabi ko kayo, Gorgy at Salve, para lumalakas ang loob ko.
Kaya nga rin inggit na inggit ako sa mga pupunta sa Tagaytay dahil sa invitation ni direk Lino Cayetano.
Bongga dahil maalaga si direk Lino kaya tiyak na magiging happy sina Gorgy at Salve sa trip to Tagaytay. Sa set ng movie na Nanahimik ang Gabi ni direk Lino Cayetano sila pupunta.
Ang saya siguro nila dahil ngayon lang uli may out of town invite sa mga taping set.
At knowing kung paano mag-alaga ng mga bisita si direk Lino.
Sina Ian Veneracion at Heaven Peralejo ang stars ni direk Lino kaya inaasahang magiging maganda ang story ng serye na official entry sa gaganaping Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December.
Good luck, sa pagbabalik-showbiz ni direk Lino Cayetano, sure kaming bongga ito dahil matagal ding hinintay ng fans ni direk Lino Cayetano. Bonggang paghihintay!