2 kasambahay ni Ruffa Gutierrez nagsampa ng kaso vs aktres — Guanzon

Ruffa Gutierrez
Instagram/iloveruffag

MANILA, Philippines — Nagsampa ng kaso ang dalawang "pinalayas" na kasamabahay ni "Maid in Malacañang" star Ruffa Gutierrez kontra sa aktres, ayon kay dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon, Miyerkules.

Sa isang tweet, sinabi ni Guanzon na dumulog sa National Labor Relations Commission (NLRC) ang dalawang nasisanteng kasambay dahil pinalayas umano sila ng aktres nang hindi binibigyan ng sahod.

"The 2 former kasambahay of Ruffa G wna taka kabankalan negros occidenral filed a complaint in the NLRC for backwages and damages," saad niya sa naturang tweet habang may nakalakip na litrato ng pag-uusap nila ng isang nagngangalang Rey Segubiense.

Makikita sa litrato ang screenhsot ng isang Notice of Conference na may pangalan ni Ruffa. Nakatakdang ikasa ang pagpupulong sa ika-27 ng Hulyo sa Quezon City.

Depensa ni Ruffa, hindi totoo ang mga parataang na ito ng P3PWD party-list representative.

"Hello Ms. Guanzon, No it's not true," tugon ng aktres.

Paglilinaw niya, nagkaroon ng sitwasyon sa kanilang bahay habag nasa shooting siya ng “Maid In Malacañang” dahilan para tawagan niya ang security upang siguruhin ang kaligtasan ng kanyang mga anak.

"The 2 new kasambahays who have been in our household for only around 2 weeks were fighting our 68-year old senior mayordoma (who has been under my care for more than 18 years),” saad niya.

"Nang-aaway po sila sa ibang mga kasamahan sa bahay ng wala po ako. They were demanding to leave the house, which I said they were able to do AFTER I returned home from work, so I could talk to them before they leave. “Let me make it clear po: I did NOT fire anyone. They wanted to leave on their own accord," giit pa ng aktres.

Matatandaang nito lamang unang linggo ng Hulyo nang sabihin ni Guanzon na isang kaibigan niya ang sumagip sa dalawang kasambay sa Alabang na silang 'di umano'y pinalayas ng amo mula nang hindi binibigay ang kanilang sahod.

Ani Ruffa, “black propaganda” lang ang mga "paratang" na ito ni Guanzon.

“Contrary to fake news peddled on social media, our client NEITHER FIRED the helpers NOR REFUSED TO PAY their remaining pay for six days. In fact, it was the helpers who quit and insisted that they leave the house immediately without complying with clearance requirements of the village association,” saad ni Atty. Bryant Gamonnac Casiw, abogado ng aktres, sa isang pahayag.

“This fake news is a black propaganda/smear campaign against our Client as she is playing the character of Former First Lady Imelda Marcos in an upcoming movie,” dagdag pa niya.

Show comments