^

PSN Showbiz

Pinoy horror film project, nakatanggap ng parangal sa Korean Filmfest

Dianne Canlas - Pilipino Star Ngayon

Nakatanggap ng parangal ang Pinoy horror film project na Posthouse bilang Discover of Asia Award at the VIPO Award mula sa Network of Asian Fantastic Films (NAFF) 2022 Awarding Night noong July 12, 2022 bilang bahagi ng ginanap na Bucheon International Fantastic Film Festival (BIFAN) 2022 sa South Korea.

Ito ay mula sa direksyon ni Nikolas Red at ipinrodyus ni Iana Bernardez.

Pinangunahan ng Filipino production company na Epicmedia, nasungkit din ng pelikula ang dalawang film fundings na nagkakahalagang 15,000 USD.

Ang Discover of Asia Award ay ibi­nibigay sa isang newcomer sa Asian genre film scene, habang ang VIPO Award naman ay para sa best project ng festival’s premiere sponsor and partner, Visual Industry Promotion Organization (VIPO), na isang Japanese non-government organization na sinusuportahan ang creative industry.

Matapos dumaan sa preliminary screening at final meetings kasama ang three-member jury of experts, nagwagi ang pelikula ni Red.

Ayon sa kanila, the film “represents a new generation of filmmakers keeping the (Philippines horror) flame alive and paying homage to their cinematic predecessors, while making innovative and unique movies, mostly aimed at a raving young audience.”

Ang Posthouse ay tungkol sa manggagawa sa isang post-production facility na pinaniniwalaang pinamumugaran ng multo. Kinakailangang mabuo ng lalaki ang puzzle ng nakakakilabot na litrato upang masagip niya ang kanyang anak mula sa masamang nilalang.

Sinuportahan naman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang pakikilahok ng Posthouse team sa NAFF 2022 sa pamamagitan ng International Film Studies Assistance Program (IFSAP) nito.

Naging parte rin ng dalawang FDCP programs ang proyekto ni Red. Noong 2021 ay nakilahok ito bilang short silent film sa Mit Out Sound International Silent Film Festival, habang earlier this year naman ay napili ito para sa Fiction Lab of the Full Circle Lab Philippines.

Ayon kay FDCP chairperson and CEO Liza Diño, “Being part of Nikolas Red’s Posthouse journey has been a delight. Slowly but surely, the project is gaining the attention it deserves and we are proud to have been able to support the project. This is our validation that Filipino horror and thriller genre films have a fighting chance in competing globally.”

Binubuo naman ng representatives para sa two Filipino films, two film projects, one mentee, at one film writer ang Philippine dele­gation sa 26th BIFAN na dumalo sa in-person festivities na ginanap sa South Korea noong July 7 to 17.

NAF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with