^

PSN Showbiz

AJ, iniintriga pa ring buntis sa biglaang pag-resched ng shooting

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
AJ, iniintriga pa ring buntis sa biglaang pag-resched ng shooting
AJ
STAR/ File

Ayaw kaming sagutin ng ilang taga-produksyon ng pelikulang ginagawa ni AJ Raval kung bakit biglang na-pack up ang shooting niya kamakalawa lang.

Hindi pa rin kasi natatapos ang intrigang buntis ito.

Pinabulaanan na ito ni AJ at nagpakita pa siya ng maliit niyang tiyan, pero tuloy pa rin ang intriga at lalo pang pinag-usapan dahil sa ilang nasagap pa naming kuwento.

Ayon sa ilang sources namin, tuloy pa rin ang paggawa ng pelikula ni AJ, at kasalukuyan niyang tinatapos ang Us X Her kasama saina Angeli Khang at Kiko Estrada.

Okay naman daw nung mga nakaraang araw, pero hindi raw alam kung ano ang dahilan kung bakit pina-pack up ang shooting nung Martes at pati kahapon.

Ayon sa ilang napagtanungan namin, ipina-reschedule daw ang shooting ng bago matapos ang buwang ito.

Dalawang araw na lang naman daw si AJ, matatapos na siya.

Ang nakakaintriga lang, walang may nakaalam kung ano ang nangyari bakit siya nagpa-pack up ng shooting, at itinuloy hanggang sa kahapon.

Pero in-assure naman daw ng production ng tatapusin ni AJ ang pelikula. Pero nandiyan pa rin at hindi nawawala-wala ang tsismis na nagdadalangtao siya.

Kung totoo man ito, hindi naman ito puwedeng itago. Lalabas at lalabas din ang buong katotohanan.

Boots Anson, 10 days naka-quarantine dahil sa COVID-19 kasama ang asawa

Napagbigyan kami ni Tita Boots Anson Roa-Rodrigo na ma-interview sa radio program namin sa DZRH nung Martes ng gabi.

Medyo malat pa ang boses niya dahil nagpapaga­ling pa siya sa COVID 19 kasama ang asawa niyang si Atty. King Rodrigo.

Nasa 10th day na raw silang naka-quarantine at inaasahan niyang sa susunod na linggo ay maaasikaso na nila ang Metro Manila Film Festival (MMFF).

Si Tita Boots ang Chairperson ng Selection Committee at natutuwa siyang marami pa ring producers ang interesadong sumali sa MMFF kahit nasa pandemya pa rin tayo.

Pati ang nakaraang dalawang taon na nasa online at nung last year na limitado pa ang mga sinehan ay may mga sumali pa ring producers.

Hindi pa raw nila masasabing babalik na ang dating sigla ng MMFF, dahil hindi pa tapos ang pandemya.

Inaasahan na raw nilang hindi pa rin ito kagaya nung mga nakaraang taon na malakas talaga at umabot ng bilyon ang kinita ng mga kalahok sa MMFF.  “Kung gagawa tayo ng reality check, mahirap talagang maasahan na bumalik ‘yung earnings nung mga nakaraang 4 years, 3 years, nung pre-pandemic, kasi ibang-iba ang sitwasyon ngayon.

“Unang-una, hindi naman lahat bukas na mga sinehan. Pangalawa, ang mga tao, because of the economic situation ay siguro bago manood ng sine, may ibang prayoridad muna sila sa kabuhayan nila, nabibigyan nila ng importansya hindi ba? By way of spending, by way of cost. Nandiyan pa rin ang pandemic. Hopefully by December wala na talaga, but who knows baka may iba na namang health issues na naman ulit,” umpisa niya sa interview.

Positibo naman si Tita Boots na may magagawa ang bagong administrasyon sa ating movie industry, dahil malapit naman daw ang pamilya Marcos sa entertainment industry.

“I think it’s common knowledge na ang pamilya ng Marcos Sr., si Madam Imelda, ang first lady nun at ang mga anak nila e meron talagang pagtingin, not only art but in particular in Filipino film industry. Na-prove ‘yan nung mga nakaraang taon. Pinagpahalagahan talaga nila ang Filipino film industry and it’s been proven in so many ways.

“Unang-una na nga yan ang Filipino film festival, ang MMFF. Pagtatag ng MOWELFUND, ang pagtatag ng Film Development Council of the Philippines, and many other agencies na tumutulong sa Film Academy of the Philippines at sa iba pang mga ahensya na tumutulong para mapaunlad ang industriya o at least mapanatili ang industriya,” saad pa ni Tita Boots Anson Roa-Rodrigo.

AJ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with