Dinamdam ang nangyari sa kanila ng asawa?! Moira, 25 lbs. ang ipinayat! Derek, ang tibay ng bonding sa anak nila ni Ellen!
Twenty pounds na pala ang ipinayat ni Moira.
Actually, medyo nag-aalala na raw ang ibang friends nito dahil nga parang dire-diretso ang pagpayat ng tinuturing na hugot singer.
Pero wala talagang nagsasalita kung anong naging rason ng paghihiwalay nila ng mister na si Jason Marvin Hernandez. Pulos speculation na pinagpalit nito ang singer sa ibang babae.
Though last May lang ginawang official ng mister ni Moira ang pag-aming unfaithful siya pero antagal na raw kasing may problema ng kanilang pagsasama.
Anyway, spotted si Moira sa The Farm last weekend, sa birthday celebration ng social media influencer na si Pinky Tobiano.
Close si Moira sa family ni Pinky pero pag tinatanong na ito kung kumusta ang singer ay ‘di na nagsasalita si Pinky.
Aside from Moira, andun din sa party ni Pinky sa The Farm kung saan siya may pag-aaring villa ang Ramsay family. Amang-ama raw si Derek Ramsay sa anak ni Ellen Adarna na si Elias.
“We were together for 3 days. Grabe they are the nicest people and i am so touched how good Derek is as a father,” banggit ni Ms. Pinky sa nakita niyang closeness nina Derek and Elias.
Kahit sa mga video nga na napanood ko, iba ang happiness ni Elias sa stepdad niyang inactive na sa pagiging actor.
Andun din sa nasabing birthday ni Pinky sila Tim Yap, Direk Javi Martinez, Christian Bautista, Erik Santos, Yeng Santos at marami pang iba.
Happy birthday, Pinky.
- Latest