Mikee, pabaka-bakasyon na lang!
Lutang na lutang ang husay sa pag-arte ng Kapuso star na si Mikee Quintos sa seryeng Apoy sa Langit.
Successful ang portrayal niya bilang si Ning, na anak ni Maricel Laxa.
For sure, isa ito sa rason kung bakit pumapalo pa rin sa TV ratings ang show tuwing hapon, maliban pa sa mahuhusay na paggganap ng ibang cast.
Inaabangan na ngayon ang redeeming factor ni Ning dahil unti-unti na nitong nabubuko ang mga plano at panloloko ni Cesar, na ginaganapan ni Zoren Legaspi, sa kanyang ina.
Kaya ayun pabaka-bakasyon si Mikee sa Boracay kasama sa Paul Salas.
Bongga sila.
Andre, enjoy sa pagkokontrabida
Gumanap na kontrabida sa unang pagkakataon si Kapuso actor Andre Paras para sa 4th anniversary special ng award-winning weekly anthology show na Daig Kayo ng Lola Ko.
Tampok sa anniversary episode na Bida Kontrabida si Andre bilang Big Bad Wolf.
Bagama’t kontrabida ang role ni Andre sa naturang show, very light ito para sa mga bagets at talagang napamahal siya sa kanyang karakter.
Balik-akting si Andre. Ayaw muna niya sa basketball.
Buti na lang at andyan ang GMA na lagi talagang naka-suporta sa kanya.
Saka baka talagang showbiz ang calling ni Andre at hindi paglalaro ng basketball.
- Latest