Ewan ko ba, Salve, kung bakit tinamaan ako ng katamaran kahapon.
Talagang umaga pa lang wala na akong energy, at kahit manood ng TV hindi ko ginawa.
Basta lang tamad ako all day, nakahiga, idlip konti, wala lang.
Talaga yatang ganun ang 75 years old na, may tamad moments na.
Imagine pati ang panonood ng TV wah ko type, basta lang lumipas ang isang araw na hayun hihiga-higa lang ako.
Talagang dapat nang magkaroon ng happenings sa showbiz para balik-sigla na ang lahat. Presscon pa more, meet and greet pa.
Pero ang isa sa nakaka-sad sa akin talaga ay si Jopay Manago na matagal kong nakasama sa GMA 7 at talagang naging faithful kay Willie Revillame noon.
Lagi kong naiisip na lagi niyang ipinagmamalaki noon na sa pagtanda niya, sure siya na aalagaan siya ng mga pamangkin niya.
Lagi niyang ipinagmamalaki kung gaano siya ka-close sa mga ito, kaya parang may suntok sa dibdib nang malaman ko na nasa Home for the Aged siya sa kasalukuyan. Actually, medyo matagal-tagal na siya sa Home for the Aged.
Hindi naman masama dahil baka ito ang gusto niya, pero parang malaking isipin na hindi siya sa mga kamag-anak nakatira.
Naiisip ko na ‘pag ako nasa isang nursing home tiyak na hindi ako magiging happy.
Una, may pagka-antisocial ako na kung minsan ayaw makipag-usap. Pangalawa, hindi ako masunurin sa time table, kaya tiyak na maiinis ako sa mga regular na ginagawa nila.
Saka hanggang maaari, gusto ko sa sarili kong place, ‘yung comfortable ako sa kilos ko, sa ginagawa ko, kaya tiyak palalayasin ako sa nursing home.
Pero hindi ko rin alam baka choice iyon ni Jopay, na sa Home for the Aged siya maglagi sa kasalukuyan. At sana kahit nandu’n siya dinadalaw-dalaw siya ng mga pamangkin niya na mahal na mahal niya.
Ingat ka, Jopay.