^

PSN Showbiz

Mga pelikula ng kilalang direktor, nilait-lait ng movie critic

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Isang direktor ang tinext ng isang movie critic na tila nilalait ang mga pelikulang ginagawa niya. Kilalang magaling si direk at iginagalang sa movie industry.

Hindi nagustuhan ng movie critic ang ilang huling pelikulang ginagawa ni direk, at hindi niya ito pinalagpas. Tinext ang maga­ling na direktor para laitin ang mga huling pelikulang ginawa niya.

Hindi raw niya maintindihan bakit ganitong klaseng pelikula na raw ang ginagawa nitong direktor.

Ipinagkibit-balikat na lamang ito ni direk, at hindi raw siya apektado dahil trabaho naman niya ito at wala siyang kailangang patunayan pa.

Kaya sinagot niya itong si movie critic na tipong sana hindi na raw niya maintindihan at all. Pero naghi-hit sa streaming app ang mga pelikula niya. Paano mo nga kukuwestyunin ‘yun?

Pagkatapos sumemplang sa takilya ang pelikulang Ngayon Kaya, natatakot lalo ang film producers natin na magpa-book ng mga pelikula sa mga sinehan.

Pero susubukan ngayon ng Viva na ipalabas sa Aug. 3 ang Maid in Malacañang.

May isang Tagalog movie pa raw na naka-schedule din sa araw na ‘yun. Hindi lang namin naalala ang title, dahil tila hindi naman napu-promote.

Marami pa rin ang pinanghihinaan ng loob na mag-showing ng pelikula nila dahil sa taas ng presyo ng ticket sa mga sinehan. Sa hirap ng buhay ngayon, mabigat ang P300 plus na halaga ng ticket.

Ang mga may kaya lang talaga ang nakakabili ng ticket, pero foreign films naman ang gusto.

Kaya paano ito malulutas?

Maganda ang ipinapanukala ni Sen. Bong Revilla sa Senado na bigyan ng incentives ang film producers, o ‘yung pagtanggal ng taxes sa mga local film. Mala­king tulong ito sa mga film producer. Pero kung ganun pa rin kamahal ang ticket, babalik ba ang interes ng mga manonood ng mga pelikula natin sa mga sinehan?

Ang hiling ng filmmakers, sana bawasan ang presyo ng ticket, o kaya sagutin ng gob­yerno ang kalahati ng presyo ng ticket para kaya nang bumili ng mga manonood.

Kagaya ng South Korea at India, talagang bini­bigyang halaga raw nila ang arts ang entertainment, kaya nakakagawa rin sila ng mga pelikulang kinikilala na sa buong mundo.

Liza, hanggang September pa

Ang latest na nasagap naming kuwento, sa September pa raw uupo bilang bagong Chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board si Lala Sotto-Antonio.

Hindi lang masagot ng aming source kung tutuloy pa ba bilang Board member si Mr. Johnny Revilla dahil apektado raw ito sa pagpalit sa kanya sa posisyong ito.

Wala pang kasunod na announcement kung kailan din uupo si Tirso Cruz III bilang Chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Sa ngayon ay nasa transition period pa sila at inaayos na raw ito ni Ms. Liza Diño-Seguerra.

Sandaling naka-text ko si Ms. Liza at okay na raw siya. Nabigla lang daw siya nung mga araw na ‘yun dahil walang may nakapagsabi sa kanya.

Okay na rin daw sa ngayon dahil magkakaroon na raw siya ng sapat na panahon sa kanyang pamilya.

Pero nagpapasalamat si Ms. Liza sa lahat na mga kasamahan sa industriya na na-appreciate ang lahat na nagawa niya sa FDCP.

VIVA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with