Sarah, trending sa pagbabalik sa ASAP
Trending agad ang announcement ng pagbabalik ni Sarah Geronimo sa ASAP Natin ‘To.
“The long wait is over,” ang announcement nila.
Yes, balik-ASAP si Sarah.
Matagal hindi napanood si Sarah sa ABS-CBN – umpisa noong pandemya hanggang nawalan ng franchise ang network.
Kung napapanood man siya sa ASAP ay sa mga replay episodes lang.
Recently ay may kumalat na magiging Kapuso si Sarah.
Diumano’y may offer itong P800 million.
Ayon sa source, may mga offer daw talaga kay Sarah.
Pero comment ni Nay Lolit Solis sa Take It! Take It! Me Ganon?! last Tuesday, malabong mag-offer ng ganun kalaki ang GMA 7 lalo na sa panahon ngayon.
Pero ang matunog na magiging Kapuso ay si Matteo Guidicelli na diumano’y may gagawing teleserye sa network.
- Latest