Johnny Revilla, masama ang loob sa naudlot na chairmanship sa MTRCB?!

Johnny, PBBM at Pamilya
STAR/ File

Sumama pala ang loob ni Mr. Johnny Revilla nang hindi matuloy ang pag-upo niyang chairman ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ang kuwento ng source, ‘devastated’ ang actor na matagal na ring board member ng MTRCB sa nangyari lalo na nga’t dumalo pa sa kanyang panunumpa sa Malacañang ang buong pamilya sa harap mismo Pres. Bongbong Marcos noong Tuesday night kasabay ni incoming Film Development Council of the Philippines Chairman Tirso Cruz III.

Personal friend pala ni Pres. Marcos si Mr. Johnny kaya ‘nasaktan’ ito sa nangyari.

Kaso naipangako na raw pala ang nasabing posisyon ng bagong Pangulo sa kampo nila Ms. Lala Sotto.

Nauna nang na-’press release’ na si Mr. Revilla ang MTRCB Chair pero biglang the following day, Wednesday, ay nanumpa si Ms. Lala Sotto-Antonio dahil ito pala ang itinalagang chairperson ng MTRCB na babakantehing puwesto ni Je­remiah Jaro beginning September.

Show comments