^

PSN Showbiz

'Ipagdadasal na lang': Gary V hirap kumanta dahil sa problema sa lalamunan

Philstar.com
'Ipagdadasal na lang': Gary V hirap kumanta dahil sa problema sa lalamunan
Kuha ng singer-actor na si Gary Valenciano
Mula sa Instagram account ni Gary Valenciano

MANILA, Philippines — Inamin ni “Mr. Pure Energy” Gary Valenciano na kasalukuyan siyang nahihirapan kumanta dahil sa kanyang lalamunan.

Dasal ng beteranong performer na gumaling sa siya lalo pa't papalapit na ang pagbubukas ng "Joseph The Dreamer," na siyang magmamarka sa pagbabalik niya sa teatro matapos ang 23 taon.

"Lord, you know I’ve been struggling with my voice and throat for weeks now. 'Joseph The Dreamer' is in 8 days. I need your help Lord. Thank You for your faithfulness," tweet niya, Huwebes.

"I know You will never put me to shame. Pls come, heal, and restore my voice. In your name Jesus I pray… Amen."

Gaganap bilang "Jacob" si Gary V. na siyang ama ni Joseph sa naturang musical play.

“It’s good because I’m using now a different range of my voice, which allows me to express myself in better ways and in fresh new ways, because if it’s always up there, like the way I often sing, there might not be a difference between that character and the person that you see on stage," ani Valenciano sa isang online press conference noong Hunyo 28.

Dati nang ginampanan ng singer ang titular role noong 1989. Para sa taong 2022, si Sam Concepcion naman ang gaganap bilang "Joseph" kung saan makasasama rin niyang magtanghal sina Kayla Rivera, Bituin Escalante, at Carlo Orosa.

Nakatakdang ikasa ang opening ng "Joseph the Dreamer" sa Hulyo 15 sa Maybank Performing Arts Theater, Taguig. 

Hulyo 2019 lang nang sabihin ng mang-aawit na siya'y gumaling mula sa kanyang kidney cancer. Kilala rin siyang merong diabetes. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles

GARY V

THEATRE

VOICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with