Phillip Lazaro, napansin ang pamamayat bago pumanaw!

Phillip Lazaro.

Maraming na-shock sa pagpanaw kahapon ng stand-up comedian / director na si Phillip Lazaro.

Siya ay 52 years old lang.

Heart attack ang sinasabing dahilan ng kanyang pagkamatay.

Ang napansin lang ng mga kaibigan ni Phillip ay pumayat siya na hindi alam kung sadyang nagpapayat o may iba na itong sakit bago namatay.

Ilan sa mga naging proyekto ni Phillip sa Kapuso Network ay ang Prima Donnas, Widow’s Web, at Nagbabagang Luha.

Wala pang maibigay na detalye ng kanyang burol ang ibang malalapit kay Phillip.

Young actress, kinabibiliban sa husay sa ‘negosyo’

Maraming bilib sa isang young actress. Bata pa raw, kasi ‘negosyante’ na.

Imagine ang dami raw nitong bubuksang negosyo at nagbabalak magbakas­yon grande sa ibang bansa.

Nakakabilib daw dahil bata pa pero parang ang dami nang ipon.

Bukod sa nakabili ng bahay at mga sasakyan, may mga negosyo raw itong bubuksan.

Pero kung may mga natutuwa at bilib sa young actress, marami namang nagdududa. Ang bilis naman daw ng mga pangyayari. Parang mas gusto raw nilang maniwala sa chikang meron itong ‘lihim’.

Nababalitang ‘in love’ sa young actress ang not so young politician / businessman at talagang ‘inaalagaan’ daw si young actress para masungkit ang matamis nitong ‘oo.’

Una na raw nakuha ng negosyante ang ‘kiliti’ ng ina ni young actress.

 

Show comments