^

PSN Showbiz

Tyang Amy, ayaw manapaw ng co-host

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Tyang Amy, ayaw manapaw ng co-host
Tyang Amy
STAR/ File

Higit dalawang milyon na pala ang napamigay na papremyo ng PIE (Pinoy Interactive Entertainment) channel sa mga viewer simula nang umere ito at umapaw din ang sorpresa at papremyo sa kanilang monthsary last month.

At kasama sa inaabangan sa naganap na anniversary ang ang pagbisita ng orihinal na host ng Pera o Bayong na si Amy Perez bilang special host ng PoB na napanood sa BEAM TV, Sky Cable Channel 21, PIE website, at PIE YouTube channel.

Pero bago sumalang sa PoB, nagmistulang titser si Tyang Amy sa PIE jocks na sina Eian Rances, Kevin Montillano, at Nicki Morena dahil sa pagkwento niya tungkol sa kanyang napulot na aral sa pagiging host ng Pera o Bayong ng ABS-CBN.

“Ako natutunan ko kay Kuya Dick [Roderick Paulate] ay you allow the other person also to shine. ‘Pag hosting ang pinag-usapan, dapat alam mo na confident ka na kaya ka kinuha for that job is alam mo sa sarili mo na kaya mo. Now, you don’t have to outshine the other person,” pagbahagi ni Tyang Amy sa isang video na mapapanood sa PIE YouTube channel.

Dagdag pa ni Tyang Amy, naging ‘therapy’ rin sa kanya ang pag-host ng Pera o Bayong sa panahon na may malaking hamon sa kanyang personal na buhay dahil isinapuso niya ang turo ni Kuya Dick na “the show must go on.”

“Naging therapy sa akin ‘yung pagpunta sa work everyday even if I was going through a very difficult time noong mga panahon na iyon.”

Ang PIE ang unang multiscreen, real-time interactive TV channel ng bansa, kung saan pwedeng sumali at manalo ng cash prizes ang viewers kahit nanonood lang ng TV oras-oras at araw-araw.

PIE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with