Tuwing Sabado ay naglilingkod si Edward Barber sakanilang church’s ministry. Matagal na umanong pinapangarap ng aktor na maging isang ganap na pastor balang araw.
“Nahanap ko ‘yung balance sa buhay ko salabas ng industry. ‘Yung ginagawa ko sa loob ng industry. May mga bagay na I’m not willing to sacrifice it or mas importante ‘yon kaysa ‘yung job here and there sa loob ng industry,” makahulugang pahayag ni Edward.
Malaki ang pasasalamat ng binata sa pamunuan ng ABS-CBN dahil sa lahat ng trabahong ipinagkakaloob sa kanya. Hanggang maaari ay binabalanse ni Edward ang kanyang panahon para kahit mayroong trabahong ginagawa ay patuloy pa ring nakapaglilingkod sa simbahan. “I love ABS-CBN. I love my family here. But at the end of the day, it is work. And I have other people that I love too outside. I wanna be in a ministry which is not a priest, a pastor. Maybe one day,” giit ng aktor.
Zanjoe, may payo sa mga kasamahang lilipad patungong Amerika
Masayang-masaya si Zanjoe Marudo dahil napabilang sa mga artista ng ABS-CBN na lilipad patungong Amerika para sa Beyond the Stars: Star Magic US Tour. Bahagi ito ng pagdiriwang ng ika-tatlumpung anibersaryo ng Star Magic ngayong taon. Nakatakdang magtanghal ang Kapamilya stars sa New York City sa Aug. 6, San Francisco sa Aug. 12 at Los Angeles sa Aug. 14. “Nakakatuwa na maging part pa rin ako ng tour nitong Star Magic. Kasi ‘di ba ang tagal na ring wala, excited ako na makita ‘yung mga Kapamilya natin diyan again at makapagpasalamat sa kanila. Nakaka-excite din kasi ang tagal ko ng hindi nakakatapak sa stage para mag-perform sa mga Kapamilya natin sa abroad. Wala akong pressure na nararamdaman kasi excited ako na magpasalamat at makita ‘yung ngiti at saya ng mga kapamilya natin abroad,” pahayag ni Zanjoe.
Ayon sa aktor ay mahigit isang dekada ang nakalilipas noong una siyang nakapunta sa Amerika upang makapagbigay ng kasiyahan sa mga kababayan nating naroon. “Bago pa lang ako no’ng time na ‘yon. Kasama ko pa ‘yung friends ko, ‘yung Coverboys, tapos first time ko rinsa States. 16 years ago ‘yon, na-meet ko ‘yung family ko na nasa Amerika for the first time kaya nakakatuwa. Hindi naman mangyayari ‘yon no’ng time na ‘yon kung hindi dahil sa trabahong ito, sa tour na ginawa namin,” kwento ng binata.
Mayroong payo si Zanjoe para sa mga kasamahang artista sa Star Magic lalo na ‘yung mga unang beses pa lamang makapagbibiyahe patungong Amerika. “Siyempre nandiyan ‘yung excitement pero kailangan ready kayo kasi hindi siya madali. Nakakapagod siya physically kasi kanya-kanya tayong dala ng mga gamit natin. Wala tayong mga PA’s (personal assistants) na kasama. Pero okay ‘yon kasi magtutulungan naman tayo at hindi naman tayo kumbaga mag-iiwanan sa show na ‘to. Kaya tayo magkakasama dito para mag-bonding, ‘yung pagiging magkapatid natin sa Star Magic. Ang pinakaimportante siguro mag-enjoy talaga. Have fun tapos enjoy-in natin ‘yung lugar. ‘Yung mga Kapamilya natin do’n sa States, importante na madama nila kung gaano tayo ka-thankful na sinusuportahan nila tayo hanggang ngayon,” pagtatapos ng aktor.
(Reports from JCC)