^

PSN Showbiz

Pelikulang Connected malalim ang mga ‘isyu’, Mayor Zamora nangunguna sa pag-promote

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Pelikulang Connected malalim ang mga âisyuâ, Mayor Zamora nangunguna sa pag-promote
Connected
STAR/ File

All out ang suporta ni San Juan Mayor Francis Zamora sa career ng anak na si Amanda Zamora na isa sa mga bida ng kauna-unahang film productiong ng Star Magic, ang youth romance na Connected na tampok din ang ilang reality TV stars mula sa PBB na mag-uumpisang mapanood sa Hulyo 22 (Biyernes) sa ktx.

At isa nga si Mayor Zamora sa nangunguna sa pagpo-promote ng nasabing digital film na idinirek ni Theodore Boborol.

Former PBB housemate ang 21-year-old daughter ng mayor ng San Juan.

Aside from Amanda, bida rin dito ang dating PBB housemates na sina Chico Alicaya, Gail Banawis, Ralph Malibunas, Kobie Brown, Andi Abaya, at Richard Juan.

Youth-oriented ang tema ng pelikula na tata­lakayin ang pag-ibig pati ang feeling na pagiging ‘disconnected’ sa mundong laging connected dahil sa social media.

Bibigyang buhay ng dating PBB housemates ang kwento ng pitong kabataan na may kanya-kanyang personalidad, pero pawang naghahanap ng atensyon, misyon, at pagmamahal.

Magsisilbing katuparan ang Connected ng misyon ng Star Magic Studios na ipamalas ang talento ng kanilang mga artista.

Matatandaan na noong Pebrero 2022, isa ang Star Magic Studios sa ibinunyag ni Star Magic and ABS-CBN Entertainment Production head Laurenti Dyogi na plano ng pamunuan para nga sa ika-30th anibersaryo nito.

Ang Connected din ang unang pelikula ni Theodore Boborol mula nang ipalabas ang James & Pat & Dave noong 2020. Si Theodore rin ang direktor  sa likod ng  Vince & Kat & James, Finally Found Someone, at Just The Way You Are.

Ayon naman kay Direk Theodore, malalim ang isyu na tina-tackle ng pelikula. “May issues about mental health, activitism, being mocked, gender identity, na siyempre ay inilagay namin sa kahon ng love story. So baka ma-surprise silapag napanood ito kasi hindi lang ito basta kilig, kundi insightful, paliwanag ng director pagkatapos ng media conference ng pelikula last Friday.

“Siyempre sa panahon ngayon, sobrang... they want also an escape.. na ayaw ko silang manood ng sine para ma-stress. Ito bago matulog o mag-bonding lang sila ng barkada nila. Sobrang heartwarming lang, light lang ang pelikulang ito,” dagdag pa ni direk.

Mapapanood ang Connected sa KTX, iWantTFC, TFC IPTV video-on-demand, at SKY Cable pay-per-view distributed by Cine Express simula Hulyo 22.

PBB

ZAMORA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with