Angeli Khang at Jamilla Obispo, grabe ang kumpetisyon
Isang babaeng kinailangang ibenta ang sariling katawan sa murang edad para mabuhay at isang babaeng biktima ng pang-aabuso.
Dalawang babaeng dumanas ng sakit sa kamay ng mga kalalakihan ang natutong makipaglaro.
Dalawang babaeng pinagdugtong ng isang sikreto – pareho sila ng lalaking minamahal.
Pero may isang mas malaking sikretong gugulat sa kanilang dalawa.
Inihahandog ng Viva TV ang pinakaagaw-pansin na adult drama kung saan susundan ang kwento nina Jasmine, Christine, at Tom sa ’Wag Mong Agawin Ang Akin, mula sa direksyon ni McArthur C. Alejandre, ang respetadong direktor na siya ring naghatid ng Silip Sa Apoy na pasok sa Top 5 Vivamax original movies dahil sa million views dito.
Ginaganapan ni Angeli Khang si Jasmine, isang escort na may mataas na pangarap sa buhay. Gusto niyang makapagtrabaho sa top beauty company na Prima Beauty at makilala ang kanyang idol na big boss ng Prima.
Si Jamilla Obispo naman ay si Christine, ang big boss ng Prima. Isang dating battered wife, ngayon isa nang empowered woman.
Matapos mamatay ang kanyang abusive husband, siya na ang nagpatakbo ng kumpanya.
Si Felix Roco naman ay si Tom, marketing officer ng Prima at secret boyfriend ni Christine. Nang hindian ni Christine ang kanyang marriage proposal, makikita niya si Jasmine sa isang resort at may mangyayari sa pagitan nila.
Muling magtatagpo ang kanilang landas nang matanggap si Jasmine sa Prima. Ipagpapatuloy nila ang kanilang affair kahit alam niyang committed si Tom sa iba.
Ang ikagugulat ni Jasmine ay nang malaman niyang si Christine ang girlfriend ni Tom.
Nang magharap ang dalawang babae, wala sa kanila ang gustong magbigay.
At nang madiskubre nila ang mas malalim nilang koneksyon sa isa’t isa, babaha ng emosyon.
Ito ay isang adult drama tungkol sa isang babae, kanyang ina at ang lalaking pareho nilang minamahal.
Si Angeli Khang ngayon ang tinuturing na Queen ng Vivamax dahil sa mga pelikula niyang Taya, Silip sa Apoy at Mahjong Nights na hindi nawawala sa Top 5 highest views.
Si Jamilla Obispo naman ay nakilala sa 2011 erotic movie na X-Deal at kamakailan ay bumida sa sexy thriller series na Iskandalo.
Mapapanood ang Wag Mong Agawin ang Akin umpisa sa July 31, 2022, with fresh episodes tuwing Linggo streaming sa Vivamax.
- Latest