Comedy show nina Vic, Pauleen at Tali, hindi sa gma ipalalabas!

Isang TV show palang gagawin ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna kasama ang mag-5 year-old daughter nilang si Talitha.

Pina-plug na sa Net 25 ang Love, Bosleng & Tali na ipu-produce ng MZet Productions.

Wala pang ibinigay si Pauleen na ideya sa amin kung anong sitcom ito, pero gusto raw talaga ni Bossing Vic na silang tatlo dahil nakikita nilang nag-enjoy si Tali sa ginagawa niya sa harap ng kamera.

Hindi pa ito nagsisimulang mag-taping pero pina-plug na ito ngayon ng Net 25.

Mga film producer, nagpapakiramdaman pa rin sa MMFF

May ilang producers akong naka-chat pagkatapos i-announce ang apat na entries na pasok sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.

Nakakatuwa raw at box-office stars na ang kasali.

Dalawa na agad ang sa ABS-CBN Productions na magaling naman talagang mag-promote ng kanilang pelikula.

Inaabangan ngayon kung meron bang isasali ang Regal at Viva Films.

Nakikiramdam pa rin ang karamihan kung magiging masigla na ba ulit ang panonood sa mga mga sinehan ngayong MMFF.

Parang nabalik din ang balitaktakan ng Kakampinks at supporters ng Uniteam, dahil sa entry nina Vice Ganda at Toni Gonzaga.

May mga nagku-comment na laban sa entry nina Toni at Tito Joey de Leon, at ganundin ang kina Vice Ganda at Ivana Alawi. Kaya mukhang lalo pang iinit ito sa promo ng MMFF 2022.

Jc at Janine, naging komportable sa pagiging bingi

Isa sa inaabangan naming pelikulang kalahok sa Cinemalaya 2022 ay itong Bakit Di Mo Sabihin na obra ng kaibigan naming direktor sa GMA 7 na si Real Florida.

Isinulat ito ni Flo Reyes na anak ng isang deaf couple. Kaya ibinase talaga ito sa kuwento ng buhay niya, at ginagampanan nina JC de Vera at Janine Gutierrez ang role ng mag-asawang deaf.

Kaya kailangan talaga nilang mag-workshop at pag-aralan ang sign language para maiarte nila ito.

Kaya pinaghandaan nila ito nang husto.

Sabi ni JC nang nakatsikahan sa nakaraang presscon ng Cinemalaya: “Ang pinakanag-work sa amin na process is that we have to be totally immersed sa pagiging deaf. And that means, kailangan talaga naming ma-feel and maging comfortable sa pagiging deaf.

“Pinaghandaan talaga namin ‘to. We have teachers beside us during the shoot. Tapos, alam mo ‘yun, talagang total immersion lang talaga.

“Naging matured kami ni Janine pagdating dito sa film na ‘to. Talagang binuhos namin lahat ng skill na meron kami sa katawan namin.”

Malaking bagay raw ang nagawa ni Janine kaya sa tingin niya maayos naman niyang nagampanan.

Magaling naman kasi talaga si Janine, kaya nagkakatulungan sila. Pero aminado siyang nahirapan siya sa role na ito. “Well, I must say, it was really hard. It was really difficult at first.

“Pero since we were truly immersed nga sa characters namin, I must admit, during the shoot, nagkakaroon ako ng headaches.

“Kasi nga, I’m trying to understand each and every sign na dapat ipakita. Talagang alam mo ‘yun, iniintindi ko ‘yung bawat word.

“So, it was really difficult. Pero since we were totally immersed nga, alam mo ‘yun, naging comfortable kami.

“And ‘yun nga, maikuwento ko lang, sa sobrang komportable ko, sometimes during the shoot, feeling ko, deaf din ako talaga.

“Like people are talking to me pero feeling ko, hindi ko sila naririnig. Nakatingin lang ako sa kanila, alam mo ‘yun.

“Parang… wala na, pumasok na sa akin ‘yung karakter. And ‘yun ‘yung objective ko talaga. Na maging comfortable ako sa pagiging deaf,” saad ni JC.

Samantala, marami rin ang pumuri kay JC sa Flower of Evil na bumagay sa kanya ang role na unang ginampanan ni Kit Thompson.

Thankful ang aktor dahil hindi naman daw siya pinabayaan at sinuportahan siya ng mga co-actor niya lalo na sina Lovi Poe, Joem Bascon na madalas niyang nakakaeksena. “Again, huge respect for Kit. Kahit sino puwedeng gumanap ng character ko. Lahat kami may capability na umarte. I just feel honored and proud na mapabilang sa isang stellar cast.”

Nagpapasalamat ang Kapamilya actor na nandiyan ang co-stars niya na sumuporta sa kanya.

“Kinabahan ako at first dahil buo ang kanilang chemistry, pero supportive silang lahat sa akin. They made sure na welcome ako at walang naging kahit anong problema sa pag-reshoot ng scenes. Same pa rin ang energy at excitement ng lahat sa pag-continue,” dagdag niyang pahayag.

Bago mag-Cinemalaya ay mapapanood si JC de Vera sa Netflix sa isang romcom na pinamagatang The Entitled. Si Alex Gonzaga ang ka-partner niya rito sa ilalim ng direksyon ni Theodore Boborol.

Show comments