^

PSN Showbiz

Ka Tunying at Rossel Taberna, pinagmamalaki ang anak na nag-donor ng bone marrow sa kapatid

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Ka Tunying at Rossel Taberna, pinagmamalaki ang anak na nag-donor ng bone marrow sa kapatid
Zoey at Helga.

Pulos pagmamahal ang mensahe ng followers ni Anthony Taberna sa anak nila ni Rossel na si Helga.

Si Helga pala ang donor ng bone marrow ni Zoey, ang anak nilang may cancer na ngayon ay magaling na.

Sa post ni Ka Tunying ikinuwento niya na :

Isa sa lubos naming ipinagpapasalamat sa Panginoong Diyos ay binigyan Niya ng isang mabuting kapatid si Zoey na may napakalaking papel na ginampanan sa pagpapagamot ng Ate niya. Si Helga ang siyang bone marrow donor ng kanyang Achi Zoey nang sumailalim ito sa transplant. Una’y dumaan muna ako, si Misis at si Helga sa isang pagsusuri at lumitaw na si Bunso ang perfect match para maging stem cell donor ng kanyang kapatid. Kahit minsan, hindi nagtanong si Helga kung bakit siya. Ang tanong lang niya, kailan gagawin. Yung proseso ng preparasyon hanggang sa araw na hinarvest sa kaniya ang stem cell ay hindi madali para sa isang batang tulad ni Helga subalit hindi siya dumaing, hindi siya nagreklamo. Ang totoo, nang binitbit namin si Helga sa Singapore na sabi nga ni Zoey ay na-guilty siya dahil parang siya ang rason na nawalan ng choice ang kaniyang kapatid kungdi ang sumama sa amin ( sa ayaw niya at sa gusto). Bayani si Helga sa tingin namin lalo na ni Zoey dahil nagsakripisyo ito nang walang tanong-tanong para makatulong na gumaling ang kaniyang kapatid. Siya rin ang unang nagpapasaya sa Ate niya pag malungkot ito at nagpapalakas ng loob nito pag gusto nang sumuko dahil sa kirot na dulot ng karamdaman. Helga, we’re so proud of you. Pinatunayan mo ang tunay na kahulugan ng pag-ibig sa kapatid. We love you! Ipinagmamalaki ka namin. Salamat po Ama.”

Mahigit kalahating taon ang buong pamilya sa Singapore para nga ipagamot si Zoey.

 

 

KA TUNYING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with