MMK, muling babalikan ang mga maantig na kwento ngayong Hulyo
MANILA, Philippines — Muling sariwain ang mga nakaka-antig na kwento na pinagbidahan nina Zaijian Jaranilla, Joj at Jai Agpangan, at Brenda Mage sa MMK ngayong Hulyo. Balikan ang kwento ni Rustie (Zaijian), isang binatang nagpursige na ipagpatuloy ang kahusayan sa pagpinta at paglililok sa kabila ng pamumuhay mag-isa ngayong Sabado. Panoorin muli ang storya ng kambal na sina Jess at June (Joj at Jai), na sinubok ang tatag ng kanilang samahan nang umibig sila sa iisang lalaki sa Hulyo 16. Matutunghayan naman sa Hulyo 23 ang mga buhay ni Brenda bago pa siya makilala bilang komedyante at ex-housemate ni Kuya.
- Latest