MANILA, Philippines — Inulan ng batikos ang komedyanteng si Herlene Budol, o mas kilala bilang si "Hipon Girl,” dahil sa hairstyle nitong inilarawan ng netizens bilang "cultural appropriation."
Sa isa kasing Instagram post ng beauty pageant contestant, makikita ang kanyang litrato kung saan naka-estilong Afro ang kanyang buhok.
Related Stories
"I love my Fro' - it's not just a hairstyle ; it's a statement," caption niya sa kanyang paskil, Martes.
Anang mga netizen, culturally inappropriate ang ginawa ng komedyante kung saan ginaya niya ang estilo ng buhok ng ibang kultura.
Ayon sa Oxfird Dictionary, ang cultural approriation ay ang:
The acknowledged or inappropriate adoption of the customs, practices, ideas, etc. of one people or society by members of another and typically more dominant people or society.
Nanggaling ang Afro — terminong nagmula sa ‘Afro-American’ — na hairstyle sa Africa na siyang may panlipunang kahulugan sa kanilang kultura.
Sambit ng netizens, hindi pagpapakita ng respesto ang ginawa ng modelo.
"[C]an someone from her team tell her this is cultural appropriation," koment ni @4ndrea.ma.
"Sad that some people don't understand what's wrong with this picture, even with the numerous explanations in the comment section. If you don't want to understand that this picture is not okay, we can't do anything for you anymore, sorry," sabi naman ni @aliyaisgood.
Para naman sa iba, walang mali sa ginawa ni Hipon Girl.
Ani Wilbert Tolentino na siyang manager ng host, walang ginawang paglabag sa cultural appropriation si Budol. Giit niya, ginagamit naman ng marami ang Afro hairstyle para sa mga photoshoot at "naturally curly" din naman ang mga sinaunang Pilipino.
"I don’t see anything wrong with her hair. Was she even mocking dark skin? Was the picture even discriminating certain race? [D]rag queens are even wearing afro for their shows, ganun din ba tingin nyo sa kanila. Besides, prehistorically we Filipinos are naturally curly," koment niya.
Aniya, gusto lang nila iparating ang mensaheng:"Embrace our all types of hairstyles. Straight, wavy, short, curly, long, afro or not."
"We apologize for those who got offended. But rest assured, we don’t violate any laws, discriminate any race or any minorities. That’s not the intention," dagdag ni Tolentino.
Ganito rin ang naging komento ni @thevienity na sinabing: "A lot are pissed but isn't this the reason why they're there? Diversity and inclusion. That they don't just represent a particular place but to represent humanity as a whole?"
"Hope she gets more than the slash. She deserves better!" saad pa niya.
Isa si Hipon Girl sa 40 kandidata na maglalaban-laban sa Hulyo 31 para sa apat na korona ng Binibining Pilipinas pageant: Bb. Pilipinas International, Bb. Pilipinas Intercontinental, Bb. Pilipinas Globe at Bb. Pilipinas Grand International. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles