Importante pa rin kay Marian Rivera ang mag-budget kahit na sabihin na kaya naman niyang mag-shopping ng lahat ng branded na kagamitan sa bahay.
Chika ni Marian, naghahanap pa rin siya ng best deals.
Kaya ang secret niya, hanap muna siya ng peg bago mag-shopping : “Always look for a peg. In that manner, mas makikita mo kung ano ‘yung kailangan mong bilhin, kung anong kulang,” tip number 1 ng misis ni Dingdong Dantes.
Payo niya pa, dapat alam mo ang priorities sa pag-aayos ng bahay lalo na kung may mga bata kang kasama. “Mahilig kasi akong mag-ayus-ayos sa bahay lalo na ‘pag walang ginagawa. Syempre first thing na kino-consider ko is ang safety ng mga anak ko. Syempre bata, maligalig, mahirap namang makatabig-tabig sila or malapit sa disgrasya so I always make sure na kid-friendly ang mga gamit at ayos namin sa bahay.”
Dagdag niya pa, importante rin ang convenience sa pamimili ng home necessities. “I am very fond of kitchenwares –mga ingredients ng kung anu-anong niluluto ko, lalo na minsan of course may mga ingredients na mahirap hanapin sa grocery, so sa Shopee agad ako magche-check,” ilan pa sa tips ni Marian bilang Shopee Primetime Queen and hands-on homemaker kung paano mag-upgrade ng home design na walang masyadong gastos.
Samantala, ayaw pang mag-comment ni Marian tungkol sa pinagagawa nilang ‘dream house’ sa isang exclusive village ni Dingdong.