Nag-resign daw as head ng Globe Studios at nagbenta ng ilang properties si Direk Quark Henares bago siya nag-decide na manirahan na sa Singapore kasama ang misis na si Bianca Yuzon.
Sa Amazon na diumano magta-trabaho si Direk Quark.
Umalis ng bansa ang direktor na anak nina Dra. Vicki Belo and Atom Henares noong June 30, kabasay ng panunumpa ni President Bongbong Marcos, at ang tweet niya : “Pilipinas we love you, but you’re breaking our hearts. Bye for now.”
Nag-create ng ingay sa social media ang nasabing post ni Direk Quark kaya’t sumagot siya ng : “Dear trolls,
“Panalo na kayo ok ba’t pa kayo nanggugulo ta--ina hahaha.”
All out Kakampink si Quark noong nakaraang eleksyon.