Pag-aalaga ng rabbit nakikitang solusyon nina Goma at Lani sa mahal na presyo ng karneng baboy at baka?!
Nagkaroon ako ng interes sa rabbit matapos kong mabasa na ito ang isa sa mga project nila Rep. Lani Mercado at Rep. Richard Gomez sa column ni Gorgy kahapon.
Parang gusto nila na magkaroon ng rabbit farming sa kanilang bayan bilang sagot sa mahal na karne at dagdag na rin sa kabuhayan ng mga tao.
Madali rw paramihin ang rabbit, madaling alagaan, at masarap din daw ang karne nito.
Kaya suggestion nila na ituro ang pag-aalaga nito at maging source ng meat product ngayon dahil talagang mahal ang presyo ng baboy at baka.
Bongga, magkakaroon na ng pet na rabbit ang marami para gawing ulam?
Mga bagong lider, maraming kailangang solusyunan
Siguro ang sakit ng ulo ng mga pulitiko ngayon.
Imagine mo, ang mga problema na hinaharap nila na talagang mahirap tapusin dahil sa pandemic, ang economic condition hindi lang dito kundi sa buong mundo.
Naku talagang araw-araw meron kang problema na hinaharap.
Kaya lagi na lang natin ipagdasal na sana nga ay matulungan sila na mahanap ang solusyon para na rin sa kapakanan ng mas maraming tao.
Basta ibigay lang natin ang tiwala sa mga leader natin, hintayin natin ang resulta, huwag tayong mainip dahil talagang mahirap ngayon ang sitwasyon.
- Latest